in

LoveLove

Mamang Pulis, Pinakyaw Ang Panindang Saging Ng Lolo Na Naglalako Habang Tirik Na Tirik Ang Araw

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa awa ng mamang pulis sa matandang naglalako ng saging kahit mainit ang panahon naisipan niya itong bilhin lahat imbes na sitahin upang hindi na mahirapan si lolo na maglako. Dahil sa kabutihan ng pulis nagviral ang kanyang litrato habang binibili ang mga saging.

Sa paraang ginawa niya ay malaking tulong na iyon para sa matanda, hindi rin naman ligtas para sa kalusugan niya ang magtagal sa kalsada dahil sa may kinakaharap pa ang ating mundo na p@ndemya na sobrang delikado para sa mga bata at may edad na tulad ni lolo dahil madali silang mahawa at makapitan nito.

Napag-alaman na ang pulis na may tumulong kay lolo ay ang pulis na taga Bulucan na si Police Officer Jojo Paguia. At Upang mas makatulong ang pulis kay lolo at sa kanyang pamilya bukod sa pagpakyaw ng paninda ay inabutan niya rin ng dagdag na tulong upang may maiuwi siya sa kanyang pamilya.

Ito ang winika ng pulis sa matnda, “umuwi ka na tatang papakyawin ko na po itong mga paninda mo, tirik ang araw kaya wag na po maglakad sa kalsada para di na kayo mapagod saka para hindi na kayo makasagap pa ng virus sa makakasalamuha mo”
Sa ginawa ng pulis ay maraming humanga na ayon pa sa iba ay dapat na tularan ng kapwa niya pulis.

Umani ng maraming komento ang post sa facebook page na Gov. Garry na nilalaman ang kwento ng pagtulong ni Police Officer Jojo sa matandang tindero ng saging. Halos karamihan ay natuwa sa ginawa ng pulis at ang ilan ay papuri at pagsaludo sa kabutihan niya.

Nawa’y sa mga gantong paraan ay marami pang handang tumulong sa mga katulad ni tatang na naghihirap magtrabaho.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakapagtapos Ang Isang Estudyante Sa Tulong Ng Pagbebenta Niya Ng Bananacue At May Parangal Pa Bilang Cum Luade

Isang Napakasipag Na Ama Ang Nakapagpatapos Ng Kaniyang Anak Sa Kolehiyo, Kahit Na Siya Ay Isa Lamang Basurero