in

Nakapagtapos Ang Isang Estudyante Sa Tulong Ng Pagbebenta Niya Ng Bananacue At May Parangal Pa Bilang Cum Luade

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Halos kahit saang parte ng mundo maraming estudyante ang pinagsasabay ang pag-aaral at pagtatrabaho, dahil sa kagustuhang makapagtapos pinipilit na magsikap kahit na mahirap. Dahil sa mga pangarap na gustong matupad at pamilyang gustong iahon sa hirap ang ilang estudyante ay nagdodoble kayod upang maging possible ang mga pinapangarap.

Source: Jogie Papillera

Tulad ni Jogie Papillera, isa siyang scholar sa San Sebastian College sa Canlubang. BS Accountancy ang kurso niya na talagang pinagsikapan niyang matapos kahit na mahirap ang buhay, naging malaking tulong para sa kanya ang maging scholar dahil nakabawas ito sa mga gastosin niya sa kanyang pag-aaral.

Ayon sa kaniyang valedictorian speech ang kanyang ama ay isang factory worker at ang kanyang ina ay naglalako ng mga pagkaing pang meryenda tulad ng bananacue, kamotecue , lumpia, nilagang mais, mani at turon, para sa kanilang ikinabubuhay at panggastos sa pang araw-araw.

Source: Jogie Papillera

Sa sobrang hirap ng buhay halos naranasan na raw ng kaniyang pamilya na walang makain at dahil bata palang siya ay mulat na sa kahirapan na minsay napapadasal na lang siya ng ‘Panginoon kahit tatlong butil lang po ng kanin’, bata pa lamang siya ay nagtitinda na siya ng mga pang meryendang pagkain na tulad ng bananacue at halos naging sideline niya ito simula ng elementary hanggang magkolehiyo na siya. Ginagawa niya ito upang makatulong sa kanyang mga magulang. Hindi rin siya nakaligtas sa mga panunukso ngunit hindi ito nagpasindak at ipinagpatuloy niya parin ang kaniyang paglalako.

Source: Jogie Papillera

Tuwing papasok siya sa paaralan bitbit niya ang dalawang basket na may lamang paninda at ang kanyang bag. Pag sumapit ang alas tres ay doon niya na ito inilalako. Siya’y payat at maliit palang halos minsan ay nanginginig na ang kanyang braso at paa sa bigat at pagod ng paglalako , ngunit patuloy pa rin ito hanggang sa siya ay makatungtong ng kolehiyo.

Ang paghihirap at pagtatiyaga ni Jogie ay nagbunga naman nang makapagtapos ito at mabigyan ng parangal bilang cum luade, dito mag sisimula ang pag-abot niya ng kanyang mga panggarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak ni Ruffa Gutierrez Na Si Lorin Gutierrez, Malaki Ang Potential Na Sumali At Manalo Sa Beauty Pageants

Mamang Pulis, Pinakyaw Ang Panindang Saging Ng Lolo Na Naglalako Habang Tirik Na Tirik Ang Araw