in

Tingnan ang nakakaaliw na mga lola na naging “Flower Lolas” sa kasal ng kanilang mga apo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa pinakamasayang araw ng isang babae ay ang mga oras na ikakasal siya sa taong mahal niya. Lahat naman ng kababaihan ito ang pinapangarap, ang magkaroon ng maganda at memorable na kasal. Kaya naman lahat ay talagang pinaghahandaan. Ito rin ang masayang pagsasama ng magkakapamilya lalo na kung Lola’s girl ka. Tunghayan ang nakakaaliw na kwento ng isang bride at ng kaniyang pinakamamahal na mga lola ay naging “Flower Lola’s”.

Source: Ronna Uy Canete

Ibinahagi ni Ronna Uy-Cañete na mula pa sa Davao del Norte, ang kwentong ito ay pinost niya sa kaniyang facebook account. Ito ang naging kaganapan ng kaniyang kasal kung saan makikita sa larawang kaniyang ibinahagi ang kaniyang dalawang lola na naging “Flower Lola’s” nito lamang May 15, 2021. Ang kasal ay ginanap sa Sagrado Corazon de Jesus Nazareno Parish sa Tagum City kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Source: Ronna Uy Canete

Ang dalawang lolang ito ay masayang masaya na naglalakad sa aisle bilang mga “Flower Lola’s”. Ayon kay Ronna, labis ang naging kasiyahan ng kaniyang Lola Estrella Uy at Lola Nena Oquias na pareho nang nasa 75 taong gulang. Hiniling kasi ni Ronna sa kaniyang mga lola na maglalakad ang mga ito aisle sa araw ng kaniyang kasal. Kaya naman na-excite ang kaniyang mga lola na sila ay magiging kagaya rin ng mga flower girls.

Source: Ronna Uy Canete

Pagbabahagi pa ni Ronna, sobrang malapit siya sa kaniyang mga lola dahil ito na ang halos nagpalaki at nag-aruga sa kaniya. Naalala pa noon ni Ronna na lagi siyang hatid at sundo ng kaniyang Lola Nena at ipinagluluto pa siya ito ng pagkain. Dagdag pa niya, labis na ipinagmamalaki at sinusuportahan siya ng kaniyang mga lola dahil siya ang unang apo na magpapakasal. Kaya ganoon na lamang ang naging kasiyahan ng kaniyang mga lola dahil siya ay magiging isang asawa na at magkakaroon na ng sariling pamilya.

Source: Ronna Uy Canete

Madalas talaga sa isang pamilya na mas malapit pa ang loob ng mga anak sa kanilang mga lolo at lola, dahil ang mga ito ay talaga nga naman sobra kung mahalin at alagaan ang kanilang mga apo. Higit pa ang pagmamahal nila sa kanilang mga apo kesa sa kanilang mga anak. Kaya nakakatuwang tingnan sina Lola Estrella at Lola Nena na masayang-masaya para sa kanilang pinakamamahal na apo. Isa na itong pinaka-memorable na alala na dadalhin ni Ronna sa kaniyang pagtanda.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Proud Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Magna Cum Laude Naging Inspirasyon Ng Bawat Pilipino

Anak ni Ruffa Gutierrez Na Si Lorin Gutierrez, Malaki Ang Potential Na Sumali At Manalo Sa Beauty Pageants