in

Proud Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Magna Cum Laude Naging Inspirasyon Ng Bawat Pilipino

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Pagsisikap at pagtitiis ang naging daan upang maabot ng isang estudyante mula Cagayan, ang kanyang mga pangarap. Ni minsan ay hindi hadlang ang estado ng buhay basta’t may pagsisikap ang isang tao. Patuloy lang sa pagkayod at balang-araw ay makakamtan rin natin ang ating mga pangarap.

Nagsilbing inspirasyon ang isang mag-aaral mula Tuguegarao, Cagayan City nang ibahagi nito ang kwento ng kanyang pinagdaanan upang makapagtapos ng pag-aaral. Siya ay si Jarel Tadio na lumaki sa simpleng pamumuhay ngunit nakayang itaguyod ang pag-aaral dahil sa pagpupursige na magtrabaho at mag-aral.

Bakas na bakas ang tuwa at tagumpay sa mga ngiti ni Jarel na makikita sa mga litrato na ipinost niya sa Facebook. Kasama ang maikling kwento ng buhay nito ay ibinahagi niya ang tagumpay sa mundo. Hawak-hawak ang mga medalya na nakuha at isang placard na nakasulat ay, “Proud Kasambahay, Proud Magna Cum Laude.” Dagdag pa nito sa kanyang post ay ang mga katagang, “siya ay isang batang namulat sa kahirapan ngunit may pangarap na maiahon sa kahirapan ng buhay para sa kanyang mahal na pamilya”.

Bago pa man siya ay maging inspirasyon sa marami ay natulungan rin niya ang kanyang mga kaibigan na maging mahusay sa pag-aaral. Silang tatlo ay nakatanggap ng awards at honor sa kanilang eskwelahan. Si Jarel ay nakapagtapos ng kursong Hotel and Restaurant Management noong 2018 sa Cagayan State University. Basahin ang buong post ni Jarel rito:

“Wala. Wala akong gusto maging in the future ko. Basta maayos ko lang ang buhay nina mama, ok na ako.”

“Namasukan ako bilang maid. Pero taas noo ako sa naging trabaho ko. Marangal yun. At masaya dun, libre na ang tulugan, libre pa ang pagkain, libre meryenda, libre tv, libre cable, libre wifi. San ka pa!”

“Mahirap maging working student, aral sa umaga, trabaho sa hapon at gabi… Maliban pa dun, may mga taong hindi yata masaya na makita kang nagsisikap makamit ang mga pangarap mo.”

“Ma, Pa, ito na po ang bunga ng bawat pagod, bawat puyat, bawat sakripisyo, bawat hirap at bawat luha… Graduate na po ang anak niyo at ito ay dahil sa hindi niyo ako pinabayaan, dahil sa pagtitiwala sa aking kakayahan tapusin ng matapang at tahakin ng may takot sa Diyos ang aking nasimulan.”

“Huwag kayo mag-alala mama, papa, etong speech at yung diploma muna ang tanggapin niyo, pauna palang to, sa susunod may sobre na po.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naaalala Niyo Pa Ba Si Yamyam Gucong, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

Tingnan ang nakakaaliw na mga lola na naging “Flower Lolas” sa kasal ng kanilang mga apo