in

Isang amang napagtapos ang anak dahil sa pagbebenta ng balut viral sa socmed

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa likod ng ilang istorya ng buhay ng ilang mga successful na tao ay ang pagtatiyaga at paghihirap ng magulang upang maabot ng mga anak ang minimithing pangarap. Tulad ng isang istorya ng mag amang nag viral dahil sa sa larawang inimahgi nito, isang graduating student si Jerdy Grace Araneta sa graduation photo ay isinama niya ang kanyang amang na siyang dahilan kaya’t nakapagtapos ito ng senior high school.

Proud na proud sa kanyang anak ang amang si tatay Rodolfo dahil para sa kaniya ay worth it ang kaniyang pagtatiyaga at paghihirap na buhayin siya at kaniya pang apat na kapatid at pag aralin siya sa pamamagitang ng pag bebenta ng balut. Halos sampung taon na raw itong hanap buhay ni tatay Rodolfo, dito niya kinukuha ang pang araw araw nilang gastusin.

Ngunit dahil sa problemag kinakaharap ng buong mundo lalo na ng ating bansa kinakailangan n tatay na mag doble kayod upang mabuhay ang kaniyang pamilya sa panahon ngayong may pandemya. Kaya naisipan ni tatay Rodolfo na pasokin narin ang pagtitinda ng pandesal at madalas rin siyang nagkukumpuni ng mga sirang appliciances para pandagdag kita.

Upang makatulong si Jerdy sa kaniyang pamilya at lalo na sa kaniyang magulang plano niyang kumuha ng kursong nursing pag tungtong niya ng kolehiyo at gusto niya ring may pagkakitaan habang siya’y nag aaral upang hindi gaanong mahirapan ang ama sa pag papaaral sa kanya.

Ang larawan ni tatay Rodolfo at ng anak na si Jerdy Grace ay kumalat sa social media at hinanggan ng marami dahil nakaka proud para sa isang ama ang mapag aral ang anak kahit na hirap sa buhay at hindi naman ito binibigo ng anak dahil nakikita niyang sulit ang lahat ng pagod sapagkat nag sisikap din ang anak na makapagtapos at abotin ang kaniyang ppangarap para ma e ahon sa kahirapan ang kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang ama kasa-kasama ang anak sa paglalako ng lobo, kinaawaan ng marami at ngayo’y hinahanap upang maabutan ng tulong

Naaalala Niyo Pa Ba Si Yamyam Gucong, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon