in

OMGOMG LoveLove

Naaalala Niyo Pa Ba Si Yamyam Gucong, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang nakapanuod ng buhay ni Yamyam sa probinsya dahil gumawa ito ng video sa kung ano ang buhay nito sa kanilang probinsya at ibinahagi niya ito sa kanyang Youtube channel.

Kilala si Yamyam dahil siya lang naman ang nag-uwi ng Milyon Milyong papremyo sa sinalihan niyang PBB Otso, sa pagkapanalo niya rito maraming opportunities ang dumating sa kanya at nagbigay daan ito para matupad ang ilan sa kanyang mga pangarap. Halos siya ang nag-uwi ng pinakamalaking papremyo sa lahat ng housemates.

Si Yamyam ang talagang sinasabing pinusuan ng lahat ng manunuod at tila nakuha niya ang atensyon ng mga tao, siya ang pinaka nagmarka sa mga taga subaybay ng PBB Otso dahil na rin siguro ito sa mga nakakatuwa at nakakaaliw na ginagawa nila ng kanyang tinatawag na “spiritual brother” na si Fumiya.

Tila nagkaroon ng nakakaaliw na tambalan sina Yamyam at Fumiya dahil sa isang probinsyano si Yamyam at isa namang hapon si Fumiya, naging katuwaan nila ang pagturo ni Yamyam ng salitang tagalog kay Fumiya. Dahil hindi gaanong marunong si Fumiya sa wikang tagalog, at ang tanging alam lang nito ay Ingles at Japanese, hindi sila nagkakaintindihan ni Yamyam na talagang ikinatuwa ng marami. At dahil doon naging magkaibigan ang dalawa kaya tinawag silang Spiritual Brothers.

Nagmula sa isang mahirap na pamilya si Yamyam sa Bohol at isang malaking tulong para sa pamilya niya ang kanyang pagkapanalo sa PBB. Kahit na may sapat na pera upang mamuhay ng maayos hindi pa rin kinakalimutan ni Yamyam ang dating buhay na kinagisnan.

Sa kanyang latest video sa kanyang Youtube channel ipinakita niya ang paraan ng pag-aani ng mais at mani, at sa pamamagitan ng isang makina nakagawa rin siya ng corn rice.

Dahil sa lumaki sa bukid si Yamyam, kung ang mga magulang niya raw ang tatanungin mas gusto raw ng mga ito ang buhay na kinagisnan nila at pagsasaka nalang ang gawin niya.

Source: Google

Sa ngayon may sarili ng panaderya si Yamyam sa kanilang lugar at na nakakatulong na rin ito kanilang pang araw-araw.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang amang napagtapos ang anak dahil sa pagbebenta ng balut viral sa socmed

Proud Kasambahay, Nakapagtapos Bilang Magna Cum Laude Naging Inspirasyon Ng Bawat Pilipino