in

LoveLove

Isang OFW na Kasambahay sa Dubai, Hindi Iniwan Ang Kanyang Amo Kahit Na Isa Na Siyang Milyonarya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Karamihan sa ating mga OFW ay tinitiis ang anumang kanilang pinagdadaanan upang may maipadala lamang sa kanilang pamilya. Ngunit hindi pare-pareho ang kapalaran ng ating mga OFW sa ibang bansa. Ang iba sa kanila ay nakakaranas ng pananakit, meron din namang iba na maswerte sa kanilang mga amo. Kagaya na lamang ng isa nating kababayan na inambunan ng swerte, ngunit nanatili pa rin sa kanyang pinagtatrabahuang pamilya. Tunghayan natin ang kanyang kwento dito.

Kilalanin natin si Rosie Vargas Villa na nagmula pa sa IIoilo, isa siyang OFW sa Dubai. Pagiging isang kasambahay ang kanyang trabaho abroad. Nagsusumikap magtrabaho si Rosie sa ibang bansa upang masuportahan ang kanyang naiwang pamilya sa Pilipinas. Halos 8 taong nagtrabaho si Rosie bilang isang yaya sa Dubai. Napakaswerte niya sa kanyang naging amo dahil itinuturing na siyang kapamilya ng mga ito.

Si Rosie ay naging instant milyonarya sa abroad na siyang naging biyaya sa kanya dahil sa pagsusumikap niya sa kanyang pagtatrabaho. Kahit na naging milyonarya siya, hindi niya pa rin iniwan ang kanyang amo at ang mga anak nito. Ayon kay Rosie, siya na ang nag-alaga sa mga anak ng kanyang amo simula noong maliliit pa ang mga ito. Kaya naman daw mahirap para sa kanya na iwanan ang kanyang mga alaga dahil talagang napamahal na ito sa kanya ng sobra. Masaya naman raw ang paninilbihan niya sa kanyang mga amo dahil pamilya na ang turing sa kanya ng mga ito. Dagdag pa niya, hindi nga raw yaya ang turing sa kanya ng kanyang mga amo kundi isang “special auntie.”

Minsan pa nga raw, madalas sabihin ng kanyang amo sa mga anak nito na inaalagaan ni Rosie ay, “Rosie is not your nanny or a helper, she is your special auntie”, saad pa ng kanyang amo. Sabi pa ni Rosie, “Ako kasi kapag nag-aalaga ng bata minamahal ko eh. Iba talaga kapag ikaw ang nakagisnan niya mula noong maliit. The way ng pagmamahal mo sa kaniya, mas sobra pa minsan ‘yung pagmamahal ko kaysa sa nanay niya.”

Ayon pa sa kanya, ang kanyang mga amo ang lagi niyang nasasandalan sa tuwing may problema siya sa kanyang pamilya sa Pilipinas. Aniya pa, ang kanyang mga amo ang kanyang nagiging “shoulders to cry on.” Napakabait at napaka-understanding talaga ng kanyang amo, dahil sa tuwing may problema siya talagang kinakausap siya ng mga ito at tinutulungan siyang maresolba ang kanyang mga pinagdadaanang mga problema.

Kahit na may anak na naiwan si Rosie sa Pilipinas, ay hindi niya pa rin maiwan ang kanyang amo kahit na isa na siyang milyonarya. Ika nga niya, mabilis maubos ang pera pero ang pagmamahal niya sa kanyang mga alaga ay ang hindi papalitan ng anumang pera. Hanggang ngayon ay naninilbihan pa rin siya sa kanyang mga amo, naiintindihan namang ng kanyang anak ang kanyang trabaho dahil malaki na ito at may isip na rin na unawain siya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin dito ang nakakamanghang limang mala “Crazy Rich Asian” Weddings ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas

Batang Mangyan sa Mindoro, hinangaan at binigyan ng full scholarship matapos magdonate ng kamote sa community pantry