in

Batang Mangyan sa Mindoro, hinangaan at binigyan ng full scholarship matapos magdonate ng kamote sa community pantry

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami ang naapektuhan ng matindi ang pamumuhay nang dahil sa p@ndemya. Kaya naman ay nailunsad ang community pantry sa bawat lugar upang makatulong ito sa mga mamamayan na hirap makabangon sa panahon ngayon. Upang lahat ay mabigyan at matulungan ay pinapaalala ng lahat na kumuha lamang ng naaayon sa pangangailangan at magbigay base sa kakayanan. Inaasahan ang lahat na makiisa lalung-lalo na ang mga kababayan natin na kayang tumulong. Hindi inaasahan ng marami, ay isang 9-anyos na bata ang kahanga-hangang nagbigay ng kamote sa community pantry.

Kilalanin si Ornelo, ang batang mangyan na nagbigay ng kalahating sako ng kamote. Hindi lamang ito nakatulong sa kanilang komunidad ay nagbigay pa ito ng inspirasyon at naimulat ang mga tao sa mga kayang ibigay base sa kakayanan at hindi sa estado ng pamumuhay.

Nagviral ang kwento ni Ornelo matapos ito maupload ng isang Facebook user na si Jhon Christopher Lara. Ayon rito ay, “Nakakaantig na kung sino yung inaakala nating pinakanangangailangan ay sila pa yung may bukas na puso para magbigay ng tulong.”

Marami ang natulungan ng community pantry sa kanilang lugar at nagbigay rin ito ng daan sa mga taong may malaking puso na magdonate ng mga pagkain tulad na laman ni Ornelo o Don Don Sinagmayon. Si Don Don Sinagmayon o sa palayaw ay Ornelo ay nakatira sa Sitio Siapo, Barangay Pinagturilan, Occidental Mindoro. Mabilis naman kumalat ang kabutihan na ginawa ni Ornelo kaya naman ay nilapitan ito ng Kilusang Nagmamalasakit sa Lalawigan Executive Committee upang bigyan ng full scholarship mula elementary hanggang college. Labis naman ito ikinatuwa ng batang mangyan dahil matutupad na ang pangarap nito maging “Sir” o guro.

Nasundan pa ang pagdodonate ni Ornelo at kanilang pamilya ng kamote sa community pantry. Ayon naman sa mga kapitbahay ng mga ito ay talagang mabubuti ang puso ng pamilya ni Ornelo dahil maski sila ay binibigyan ng mga ito ng kamote at minsan naman ay isda. Nakakatuwa isipin na kung sino pa ang inakala nating walang-wala ay sila pa ang tumutulong sa kapwa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang OFW na Kasambahay sa Dubai, Hindi Iniwan Ang Kanyang Amo Kahit Na Isa Na Siyang Milyonarya

Isang ama kasa-kasama ang anak sa paglalako ng lobo, kinaawaan ng marami at ngayo’y hinahanap upang maabutan ng tulong