in

CryCry LoveLove CuteCute OMGOMG AngryAngry LOLLOL WTFWTF

Isang ama kasa-kasama ang anak sa paglalako ng lobo, kinaawaan ng marami at ngayo’y hinahanap upang maabutan ng tulong

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayong may hinaharap ang buong mundo lalo na ang ating bansa ay mas kailangan natin ang pakikiisa at ang pagtutulungan, marami pa rin ang mga tao sa mundo na may mabubuting puso na handang mag-abot ng tulong para sa mga mas nangangailangan. Kaya ang mag-amang nasa litrato na matiyagang naglalako ng lobo na talagang kinaawaan ng mga netizen.

Isang nagngangalang Lim Shiwen ang nais na tumulong sa mag-ama matapos mapag-alaman nito ang nakakaawang sitwasyon ng mag-ama. Gustong bilhin ni Lim ang lahat na panindang lobo ng mag-ama, at upang maubos agad ito nais niyang ang mga lobong ito ay ipamigay ng mag-ama sa mga batang makikita nito.

Nanawagan si Lim sa kanyang post na nais niyang makita ang mag-ama upang bigyan ng tulong at sagutin ang isang buong buwang gastusin nito. Ito ang buong detalye ng kanyang post,
“Sino nakakakilala kay tatay? Pa share naman para umabot sa kanya. Pakisabi kay tatay gusto ko ng lobo bibilhin ko lahat pamigay niya sa mga batang makita niya tapos sasagutin ko na ang panggastos nila ng isang buwan lalong lalo na po yung bata. Pakisabi po hinahanap siya ni God saken. Tulungan niyo po akong mahanap siya. Salamat!”

Nawa’y mahanap na ni Lim ang mag-ama upang maabutan na ng tulong at nawa’y marami pa ang maging katulad niyang may mabuting pusong handang tumulong sa mga tulad ng mag-amang lubos na nangangailangan ng tulong lalo na sa panahon ngayong may pandemya.

Ang magpakita ng kabutihan kahit na sa maliit na bagay ay may malaking tulong ng naibibigay at nagiging inspirasyon rin sila para sa iba upang maengganyo ang karamihang tumulong rin sa kapwa. Dahil walang mag hihirap sa bansang may malasakit at may pusong handang mag-abot ng kahit anong tulong.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Batang Mangyan sa Mindoro, hinangaan at binigyan ng full scholarship matapos magdonate ng kamote sa community pantry

Isang amang napagtapos ang anak dahil sa pagbebenta ng balut viral sa socmed