in ,

OMGOMG CuteCute

Silipin dito ang nakakamanghang limang mala “Crazy Rich Asian” Weddings ng mga kilalang personalidad sa Pilipinas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hinangaan, tiningala at naging inspirasyon sa mga kasalan ang mga mala ‘Crazy Rich Asian’ weddings na ito sa Pilipinas. Simula sa nationwide televised na wedding ng kapuso royalties pati na rin ang Swarovski wedding dress ni Heart Evangelista at ang bonggang wedding ni Hayden Kho at Vicki Belo, aalamin natin ang bawat detalye ng mga magagarbong kasalan na ito.

Heart Evangelista and Chiz Escudero

Kilalang artista at mula sa mayamang pamilya si Heart Evangelista at ang wedding nito kay Senator Francis “Chiz” Escudero ang isa sa pinakabonggang kasalan. Ginanap ang wedding sa Balesin Island, isa sa pinakamahal na island sa bansa. Isa sa mga agaw pansin sa wedding nito ay ang Grace Kelly-inspired wedding gown ni Heart na may 70,000 swarovski crystals at detachable 5 meter train na dinisenyo ni Ezra Santos.

Vicki Belo and Hayden Kho

Ang dermatologist na si Vicki Belo at Hayden Kho ay kinasal noong 2017 at tinatayang inabot ng 80 million pesos ang kasalan nila. Nagkaroon muna ang dalawa ng civil ceremony sa Manila bago lumipad sa Paris para sa kanilang church wedding. Dinisenyo ni Michael Cinco ang gown na sinuot ni Vicki Belo na handmade ng 11 seamstresses, may 3-meter French lace train, at may transparent Swarovski crystals.

Marian Rivera and Dingdong Dantes

Tinanghal na “Royal Wedding” ang kasalan ng kapuso primetime royalties na si Marian Rivera at Jose “Dingdong” Dantes. Nationwide natelevise ang kanilang kasal at mayroon din malaking LED screen sa labas ng simbahan upang makapanood ang mga fans nito. Michael Cinco creation din ang wedding down ni Marian na nagkakahalaga ng 2 Million Pesos.

Rochelle Pangilinan and Arthur Solinap

Viral ang kasalan ng former Sex Bomb Dancer na si Rochelle Pangilinan at actor & model na si Arthur Solinap. Sa tagaytay ginanap ang kanilang wedding na napalibutan ng fresh flowers. Michael Cinco creation rin ang wedding gown ni Rochelle at isa ay may three meter long – Spanish hand fan – inspired train at Swarovski crystals.

Divine Lee and Blake Go

Tv host at fashion blogger na si Divine Lee ay ikinasal kay Blake Go noong 2017 sa Cebu Metropolitan Cathedral. Isang golden wedding gown ang sinuot ni Divine na dinisenyo ni Rajo Laurel. Ang wedding nito ay dinisenyo na parang enchanted forest na may 10,000 kg na flowers na imported pa mula Taiwan, Ecuador at Holland.

Ano sa tingin ninyo sa mga bonggang kasalan na ito?

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin ang mga sikat na aktres sa showbiz, na may taglay na kagandahan kahit walang make-up

Isang OFW na Kasambahay sa Dubai, Hindi Iniwan Ang Kanyang Amo Kahit Na Isa Na Siyang Milyonarya