in

Kilalanin Si Nanay Anna na pinasok ang iba’t-ibang uri ng panlalaking trabaho tulad ng welder, tricycle driver, construction worker, pagpipintura, pagkukumpuni ng mga gamit upang may pangtustos sa pangangailangan ng mga anak lalo na sa anak niyang maysakit

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang maging isang ina ang pinakamahirap na responsibilidad sa lahat. Ang ina ang unang nasasaktan kapag nasasaktan ang anak. Ina ang kaagapay ng mga anak sa lahat ng mga bagay. Sila ang takbuhan kapag minsa’y hindi na maintindihan ng isang anak ang takbo ng buong mundo. Ang ina, ang nagpupuyat sa gabi kapag nagkakasakit ang mga anak.

Ang mga natatanging ina rin ang tumatayong ama para sa mga anak na pinagkaitan ng pagkakataon na magkaroon ng isang buong pamilya. Higit sa lahat gagawin ng isang ina ang lahat upang mabuhay lamang ang kaniyang mga anak.

Isa na rito ang kwento ng isang inang ginagawa ang lahat upang madugtungan lamang ang buhay ng kaniyang anak. Ulirang ina ng maituturing si Anna Rose Poonin dahil pinapasok niya ang lahat ng trabaho upang mabigyan ng kaginhawaan ang mga anak. Pumukaw ng pansin sa marami nang maibahagi ang kaniyang kwento. Pinapasok kasi ni Anna Rose ang ibat-ibang trabaho upang masuportahan ang mga pangangailangan ng kaniyang mga anak at upang mabuhay ang isa niyang anak na mayroong karamdaman na leukemia.

Si Anna Rose ay nagtatrabaho bilang isang welder at isa rin siyang tricycle driver. Dati rin siyang clown sa mga birthday party at kung minsan kung may extra nagsesemento at nagpipintura siya. Ganito na lamang ang kaniyang kayod kalabaw na paghahanapbuhay upang kumita ng malaking pera para lamang madugtungan ang buhay ng kaniyang anak.

Kung kaya’t ang kalagayan ni Anna Rose ay kinaantigan ng mga netizens dahil lahat ng hanapbuhay ay kaniyang pinapasok upang matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang mga anak, lalo na ang gamot ng kaniyang anak na may sakit.

Alam naman natin na ang pagiging isang ina ay isang malaking responsibilidad, dahil sa pagmamahal ng isang ina walang mahirap na trabaho. Ibibigay lahat ng makakaya upang mabigyan ng maayos na pamumuhay ang mga anak.

Ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak ang nagbibigay lakas sa kaniya upang magsipag at magpursige pa sa paghahanapbuhay. Tunay ngang isang inspirasyon na maituturing si Anna Rose, dahil walang kapantay ang kaniyang pagmamahal sa kaniyang mga anak.

Dapat natin bigyan ng pagpupuri at pansin si Anna sa pagiging isang napakasipag na ina at pagiging uliran nito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang amang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod sa paglalako ng paninda habang karga-karga ang kanyang anak, tinulungan ng mga taong nakakita sa kanila

Kilalanin ang mga sikat na aktres sa showbiz, na may taglay na kagandahan kahit walang make-up