in

Sa murang edad natuto ng kumayod para may maipangbili ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Halos dumoble ang hirap ng mga Pilipino ngayon sa panahon ng p@ndemya, marami ang nawalan ng trabaho at ang nakakalungot ay marami rin ang nasaw(I) dahil sa kumakalat na virus. Doble ang diskarte ng karamihan upang mabuhay lang ngayong panahon ng crisis, halos lahat apektado nito mapamatanda at maski na rin mga bata.

Source: Jesmar Oftana

Parang ang batang ito na sa murang edad e isinusugal ang buhay sa labas ng bahay upang maglako ng sampaguita kahit na alam niyang bawal ang bata sa labas lalo na sa maraming tao dahil baka mahawa ito, pero hindi parin siya nasisindak dahil kailangan niyang maglako upang may maipangbili ng gatas ng kanyang pamangkin na halos 7 months palang at kasa-kasama niya pang maglako sa labas.

Kumalat ang kwento ng batang ito dahil sa post ng isang netizen na nag ngangalang Jesmar Deocampo Oftana, ayon sa kanyang post nakasabay raw niya ang bata sa jeep nang siya’y pauwi na galing sa kanyang trabaho, nagbigay siya ng maliit na halaga sa bata dahil sabi niya yun lang ang kanyang nakayanan. Napag-alaman niyang kaya ito pursigidong naglalako ay hindi lang para sa panggatas ng kanyang pamagkin ngunit para rin sa pampagamot niya dahil siya raw ay nakagat ng aso.

Source: Jesmar Oftana

Lubos na naawa si Jesmar sa bata dahil ramdam niya ang pakiramdam ng batang iyon dahil isa siyang ama. Kuha niya ang litrato ng bata at ng sanggol sa may FisherMall sa Quezon City.

Marami ang humanga sa pinakita ng bata sa murang edad ay nagsisikap na makatulong at nagagawa pa rin niyang ngumiti kahit na nahihirapan sa kanyang kalagayan. Nawa’y makatulong ang pagpost ni Jenmar upang marami ang makaabot ng tulong para sa dalawang bata at gayon narin sa kanilang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Ang nakakamanghang kwento ng magkakapatid na nakapagtapos sa kolehiyo bilang mga Cum Laude, sa tulong ng kanilang ama na isang mangingisda

Isang amang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod sa paglalako ng paninda habang karga-karga ang kanyang anak, tinulungan ng mga taong nakakita sa kanila