in ,

CryCry LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL AngryAngry WTFWTF

Isang amang sumama ang pakiramdam dahil sa pagod sa paglalako ng paninda habang karga-karga ang kanyang anak, tinulungan ng mga taong nakakita sa kanila

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon mas marami na ang naghihirap dahil sa kakulangan ng mga trabaho sa ating bansa, ang mga nasa laylayan ay mas dumoble ang hirap at kailangan pang doblehin ang pagsisikap at pagtitiyaga upang makapagkayod at mapakain ang kanilang pamilya.

Tulad ng isang amang halos pinagsabay ang paglalako ng kanyang paninda at ang pag-alaga sa kanyang anak na buhat buhat niya habang naglalako. Sa pagod at hirap ng amang ito at sinabayan na rin siguro ng gutom ay bigla itong napaupo at nahimatay habang kalung-kalong pa rin ang kanyang anak, mabuti at sa nangyaring iyon ay maraming nakapansin at nakakita kaya agad na natulungan ang ama ng mga may mabubuting pusong nagmalasakit na alalayan at bigyan ng gamot ang amang hirap na hirap na, may mga nag-abot rin ng pagkain para sa mag-ama.

Nagviral ang kwento at umani ng ibat-ibang reaksyon, ngunit ang naging sentro ng lahat ay ang kaawa-awang ama na nagpapakahirap magtrabaho para mabuhay lang ang kanyang asawang may sakit at ang kaawa-awa nilang anak na sinisikap niyang alagaan habang nagtatrabaho.

Ang ilan sa mga detalye tungkol sa mag-amang ito ay dahil sa post ng Hanep TV, marami rin ang humihiling na sana’y maraming magpaabot ng tulong sa pamilya nila upang mapagaan ang kanilang buhay at maipagamot ang asawa nito.

Saludo ang marami sa pinakitang katatagan ng amang patuloy na ginagapang sa hirap ang pamilya kahit na siya na lang ang gumagalaw para sa kanilang pang araw-araw. Hindi niya naisipang iwan ang anak at asawa nito bagkus patuloy niya pa itong inaalagaan at iyan ang pagiging isang ama at asawa, sa hirap at ginhawa ay patuloy na nagsasama.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sa murang edad natuto ng kumayod para may maipangbili ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin

Kilalanin Si Nanay Anna na pinasok ang iba’t-ibang uri ng panlalaking trabaho tulad ng welder, tricycle driver, construction worker, pagpipintura, pagkukumpuni ng mga gamit upang may pangtustos sa pangangailangan ng mga anak lalo na sa anak niyang maysakit