in

Ang nakakamanghang kwento ng magkakapatid na nakapagtapos sa kolehiyo bilang mga Cum Laude, sa tulong ng kanilang ama na isang mangingisda

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dala ng kahirapan, maraming mga tao ang nagsusumikap sa paghahanapbuhay kahit ito ay simpleng kabuhayan lamang. Dahil sa marami ang mga taong hindi nakakapagtapos ng pag-aaral, kaya ang iba ay nauuwi na lamang sa pagkakaroon ng simpleng hanapbuhay kagaya na lamang ng pangingisda. Ngunit, ang hindi alam ng karamihan kahit sa pangingisda may mga pangarap na naabot. Katulad na lamang ng kwento ng isang amang nakapagpatapos ng kaniyang mga anak sa kolehiyo na halos ay naging cum laude lahat.

Ang kwentong ito ay naging viral sa social media. Isang ama ang naging mapalad sa mga anak, dahil napagtapos niya ang mga ito sa kolehiyo at nag-uwi pa ng karangalan para sa kanilang pamilya bilang mga cum laude. Lumaking mahirap at tanging pangingisda lamang ang hanapbuhay ni Ramil Montalbo, nagmula siya sa Ilo-ilo, City. Dahil sa kapos sa buhay si Mang Ramil, marami siyang mga pangarap na hindi natupad, kagaya na lamang ng kaniyang pinangarap na maging isang sundalo.

Madalas silang magtalo ng kanyang ama, dahil tutol ang ama niya sa kanyang pag-aaral. Sa kadahilanang hindi kayang suportahan ang kanyang pag-aaral, nahahati lang ang kinikita ng kanyang ama sa gastusin at sa pag-aaral ni Mang Ramil. Kaya naman nang siya ay magkaroon ng sariling pamilya, pursigido si Mang Ramil na mapagtapos ang kanyang mga anak.

Ang kanyang pangako sa kanyang sarili, ay itinuon niya na lamang sa kaniyang mga anak. Nagsumikap siya upang matugunan ang pangangailangan ng kaniyang mga anak sa pag-aaral. Dahil ayaw niyang matulad ang kaniyang mga anak sa kanya na hindi nakapagtapos ng pag-aaral at naging mangingisda na lamang.

Kung kaya’t ang lahat ng kaniyang mga naging sakripisyo at pagsusumikap na mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga anak, hindi nabalewala. Dahil lahat ng kaniyang mga anak ay nakapagtapos at lahat ay naging cum laude. Hindi siya binigo ng mga ito, naging labis ang kasiyahan ni Mang Ramil dahil hindi man niya naabot ang kaniyang mga pangarap, magkakaroon naman ng magandang kinabukasan ang kaniyang mga anak.

Isang inspirasyon sa bawat pamilyang Pilipino ang kwentong tagumpay ni Mang Ramil dahil kahit mahirap ang buhay hindi ito hadlang upang maisakatuparan ang kaniyang pangarap para sa kaniyang mga anak.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Single dad, looking for wife? Silipin ang job post ng ama na mag-isang tinataguyod ang kanyang tatlong anak

Sa murang edad natuto ng kumayod para may maipangbili ng gatas ng kanyang 7months old na pamangkin