in

Sa Edad na 74, tanging ang pagsisid ng barya sa dagat ang ipinangbubuhay sa pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang tungkulin ng isang ina ay hindi ganoon kadali sapagkat habang nasa sinapupunan palang ang kanilang mga anak sobrang dami na ang kanilang paghihirap at sakripisyo, at sa paglabas ng sanggol sa mundong ito obligasyon ng mga magulang lalo na ng ina ang magprovide ng pang araw-araw ng pamilya. Ngunit obligasyon rin ng mga anak ang magsikap at magtapos upang kanilang masuklian ang paghihirap at pagsisikap ng mga magulang para mabuhay lang sila.

Sa kwento ng isang lola na binubuhay ang kanyang pamilya sa pamamagitan ng pagsisid ng barya sa dagat ay talagang nakakamangha ngunit di rin maiwasang maawa ng ilan dahil sa edad na 74 ay nagtitiis pa rin ito sa ganoong trabaho. Ang perang kinikita ni lola ay galing sa mga baryang hinuhulog ng mga pasahero at turista na pinagtatiyagaan niyang sisirin sa Dalahican Ferry Terminal sa Lucena, Quezon. Ayon sa kanilang mga paniniwala kaya naghuhulog ng barya ang mga sumasakay ng barko upang maging ligtas ang kanilang pagbiyahe dahil ang paghulog ng barya ay simbolo ng pag-alam at paggalang sa dagat.

Kahit na medyo mapanganib ang ganitong trabaho lalo na sa isang matandang katulad ni Lola pinipilit niya pa rin ito upang mabuhay lang ang kanyang pamilya, minsan raw ay kasama niya pa ang kaniyang asawa o madalas rin ang kanyang mga anak. Sa trabahong ito ay kumikita si lola ng halos 100 pesos hanggang 200 pesos sa isang araw at ito na ang ipinangbibili nila ng kanilang pang araw-araw.

Kung iisipin ang ginagawa ng matanda ay isang napakadelikado at ang dapat para sana sa kanya ay nagpapahinga nalang dahil sa may edad na ito, ngunit hindi natin masisisi ang matanda dahil sa hirap ng buhay ay talagang kinakailangan nilang magtrabaho kahit na delikado para sa pamilya.

Ang kwento ni Lola Maria ay napanuod narin siguro ng ilan sa inyo dahil umere na ito sa isang palabasa sa GMA 7 na Front Row na pinamagatang “Mga Barya ni Lola” at dahil sa marami ang nakapanuod at naawa bumuhos ang maraming tulong para sa pamilya ni Lola matapos umere ang kaniyang kwento.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin ang “Casa Andres”, nina Maja Salvador na talagang nakakamangha

Bunsong anak nina Paolo Contis at LJ Reyes, usap-usapan dahil sa napakagandang birthday party nito