in

Isang nakakaaliw na pangyayari ang binahagi ng isang lalaki matapos itong sandalan ng isang babaeng natutulog sa jeep habang kasama ang kanyang nobya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi maiiwasang sa haba ng biyahe o pagod ay talagang makakatulog ka sa kahit anong uri ng pang pasaherong sasakyan at hindi mo mamalayang nakasandal kana pala sa katabi mo at talagang nakakahiyang pangyayari. Marahil marami narin kayong nakikita at nababalitaang gantong pangyayari na kumakalat sa social media.

Source : Edson Falcis

Sa istorya naman ng isang lalaki na nag post ng ganung karanasan ay talagang kinagilawan ng marami ng ibahagi niya ito. Ang nagngangalang Edson Falcis ay nagpost ng kanyang larawan na may dalawang babaeng nakatulog at nakasandal sa kanya habang nasa biyahe sakay ng pang pasaherong jeep. Ayon sa kanya ang babaeng nasa kaliwa ang kanyang nobya at ang babae namang isa ay isa lang ding pasahero na nakatulog sa biyahe at sumandal sa kanya na talagang kinagiliwan ng marami.

Source: Edson Falcis

At talagang pinagkaguluhan ito sa social media ng lagyan niya ito ng caption na, “Ate gumising kana pag nagising tong girlfriend ko yari tayo.” At talaga nga daw na nagising ang kanyang nobya at ng makita nito ang babaeng tulog na nakasandal sa kanyang boyfriend natawa na lamang ito, hindi na nila ginising ang babae at hinayaan nalang ito sa kanyang pagtulog.

Sa post ng lalaki, makikita ang komento ng kanyang nobya na nagsabing “Ngayon lang yan, wala ng susunod. Pasalamat si ate naisip ko baka galing siya sa work kaya nakatulog siya sa balikat mo.”

Source: Edson Falcis

Nang magising naman ang babae naisip niya siguro ang kanyang sitwasyon kaya agad itong lumayo sa lalaki at Nakita niyang nakatitig sa kanya ang nobya ng lalaking kanyang sinandalan.

Sa pangyayaring binahagi ng lalaki marami ang natuwa at talagang inaabangan ng marami ang mga susunod na mangyayari. Inaantay nilang makita ng babaeng nakatulog sa jeep ang post ng lalaking kanyang sinandalan at magbigay ito ng komento sa nangyari, at kong hihinggi ba ito ng pasensya sa nobya ng lalaki.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Bunsong anak nina Paolo Contis at LJ Reyes, usap-usapan dahil sa napakagandang birthday party nito

Silipin dito ang mga artistang mapagkakamalan pa ding mga dalaga kahit nasa edad na 30s