in

Isang Amerikanong vlogger, ang nagbigay ng tulong sa isang pamilyang tumulong sa kaniya nang siya ay naabutan lockdown sa Pilipinas

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa maraming problema na kinakaharap ng buong mundo, may mga tao pa rin ang naiisip na magbigay tulong sa kanilang kapwa. Marami pa rin ang nagiging matulungin lalo na sa mga higit na nangangailangan ng tulong, kilala man ito o hindi.

Isang naging magandang halimbawa na lamang nito ang mag-asawang sina Reche Adopante at Raymund Adopante. Ang mag-asawang ito ay nakakabilib sa kanilang pagiging matulungin sa kanilang kapwa. At ito ay binigyang patunay ng isang amerikanong vlogger na kanilang kinukupkop dahil ito ay na-stranded sa kanilang lugar dahil sa p@ndemiya.

Siya ang amerikanong vlogger na si Dustin na naabutan ng community quarantine sa lugar ng mag-asawa. Ang vlogger na si Dustin ay unang nakarating ng Cebu taong 2016, dahil nabighani siya sa kagandahan ng lugar kaniya binabalik-balikan niya ito. Ngunit sa kaniyang pagbabalik, hindi inaasahan ni Dustin na siya ay maaabutan ng itinalagang community lockdown. Kaya naman, siya ay nanatili na lamang muna sa Cebu habang naka-travel ban pa ang bansang Pilipinas sa mga papasok at lalabas ng bansa.

Kaya dahil sa nangyaring lockdown, naghanap ng pansamantalang matutuluyan si Dustin at dito nakilala niya ang mag-asawang sina Raymund at Reche. Si Dustin ay pansamantalang pinatuloy ng mag-asawa sa kanilang tahanan at itinuring nilang kapamilya. Ayon pa sa mag-asawang Raymund at Reche, kinukukop nila ang amerikanong vlogger ng hindi sila humihingi ng kapalit dahil naiisip nilang nangangailangan ito ng tulong lalo pa’t p@ndemiya.

Hindi inakala ng mag-asawa na ang kanilang ginawang pagtulong na pagtanggap nila sa amerikanong vlogger ay may kapalit palang isang biyaya. Dahil sa ginawa nilang pagkupkop kay Dustin, sila naman ang tinulungan nito. Kaya naman, bilang pasasalamat sa kanila ni Dustin ipaayos niya ang bahay ng mag-asawa at hindi lang yan nagpatayo rin siya ng pampublikong C.R. para sa komunidad kung saan nakatira ang mag-asawa.

Ayon kasi kay Dustin, nais niya rin magkaroon ng maayos na palikuran ang mga mamamayan na nakatira sa nasabing komunidad lalo pa’t nagpaalaman pa niyang mga hikahos rin sa buhay ang mga nakatira dito. At hindi lang pagpapagawa ng bagong palikuran ang ibinigay na tulong ni Dustin, namigay rin siya ng ayudang pera para sa mga kababayan ng mag-asawa dahil nakikita niyang mas lalong naghihirap ang mga ito dahil sa p@ndemiya.

Labis ang naging pasasalamat ng mag-asawa sa amerikanong vlogger ganun din ang kanilang mga kababayan. Dahil kahit papaano naibsan ang kanilang dinaranas na paghihirap sa gitna ng p@ndemiya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin dito ang mga artistang mapagkakamalan pa ding mga dalaga kahit nasa edad na 30s

Single dad, looking for wife? Silipin ang job post ng ama na mag-isang tinataguyod ang kanyang tatlong anak