in

Viral ngayon ang isang proposal sa isang babae, habang ito ay naka-live na nag-oonline selling

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa panahon ngayon, nauuso na ang online selling dahil na rin na dulot ng p@ndemiya. At dahil nga hindi makalabas ng bahay, marami ang nakakaisip na magbenta na lamang sa pamamagitan ng internet. Kaya naman halos lahat na yata ay nag-oonline selling upang kumita kahit na nasa loob lang ng bahay. Tila nauuso rin ngayon ang “live online selling”, kung saan dito ipinapakita ang aktwal na produkto na ibinibenta. Dahil nga patok ang pagbebenta online, nag-viral ngayon ang isang proposal ng isang lalaki sa kanyang girlfriend na live na nagbebenta ng kanyang mga panindang damit.

Source: Facebook

Ang babae kasing ito ay may nakakakilig na eksena habang siya ay nag-oonline selling ng mga binibenta niyang mga damit. Sa kanyang live online selling habang siya busy sa pagpapakita ng kanyang mga itinitindang mga damit, ay bigla na lang siya nagulat sa kanyang paglingon. Dahil ang kanyang boyfriend ay biglang lumuhod at nag-propose sa kanya ng kasal with matching cake pa. Nagulat ang babae sa biglaang proposal sa kanya, dahil hindi niya inakala na sa kanya mismong live magpo-propose ang kanyang kasintahan. Agad naman itong tinanggap ng babae at sinagot niya ang proposal ng “Yes”. Labis namang kinilig ang babae sa surprise proposal sa kanya.

Source: Facebook

Hindi niya kasi inaasahan na mangyayari iyon. Kaya naman ang mga netizens, na nakapanood ng kanyang live ay kinilig din. Umani ang kanyang live online selling ng maraming mga komento mula sa mga nanood nito. Kagaya na lamang ng mga ito.
“Sana all swerte sa pagibig.”
“Parang gusto ko na mag-live selling.”
“Bakit nung nag-live ako walang ganito.”
“Bigyan mo ko sign lord mag-oonline selling na ako promise di na ako tatamarin.”

Source: Facebook

Sa mga komento ng mga netizens, ay tila marami ang naiingit sa kanyang naging proposal. Makikita naman sa mukha ng babae na labis ang kanyang kasiyahan sa kabila ng kanyang pagiging busy. Parang natanggal ang kanyang pagod sa pagtitinda online ng tinanggap niya ang proposal sa kanya. Kaya naman marami ang nakaramdam ng, “Love is in the air”.

Source: Facebook

Sa pagpapayahag ng pag-ibig wala itong pinipiling lugar o pangyayari sa ating buhay basta’t ang mahalaga ay maipahayag natin ang ating pagmamahal sa ating minamahal. Advance congratulations na lamang sa magkasintahan na ito!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Maantig sa kwento ng isang amang nagtiyagang itulak at samahan ang nakawheelchair na anak sa pagtake ng LET at hanggang sa pag-apply ng trabaho

Silipin ang “Casa Andres”, nina Maja Salvador na talagang nakakamangha