in

Silipin ang “Casa Andres”, nina Maja Salvador na talagang nakakamangha

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isa sa pinakakilala at kabilang sa magagaling na artista sa henerasyon ngayon ang Actress na si Maja Salvador, bukod sa angking galing sa pag-arte isa rin siya sa magaling sumayaw sa industriya. Naging mahusay din ang kanyang pagganap sa mga teleseryeng “Wild flower” at “The Killer Bride”.

Isa ring youtube vlogger si Maja, kagaya ng mga kapwa niya artista na pinasok ang pagvo-vlog. Kamakailan lang ay nag-upload ng video si Maja kung saan ipinakita niya at nilibot ang bahay ng kanyang pamilya ang “Casa Andres”. Ang bahay ay dumaan sa maraming pagbabago ng desinyo sa loob, na ang nagdi-disenyo umano ay si Miah Gomez, ayon kay Maja. Marami din umano siyang mga alaala sa kanilang bahay na hindi niya malilimutan, sa kasalukuyan ay kasama niya ang kanyang kapatid na naninirahan dito sa ngayon.

Mayroong sinusunod na patakaran sa bahay nina Maja dahil sa p@ndemic, bago pumasok sa bahay ay kailangan sundin ang mga health protocols, kagaya na lamang ng hugasan ng paa, pagdi-disinfect at iba pang mga health protocols na ginagawa dahil sa p@ndemya.

Ayon kay Maja, marami siyang mga alaala ng kanilang bahay at ilang beses na niya umano ito nirenovate. “Itong bahay na ‘to ay ang dami daming memories. At ang dami na naging itsura nito, ilang beses na pina-renovate, ilang beses nang pinagawa. So bigyan ko lang kayo ng idea,” sabi ng aktres.

Dagdag pa niya, ito daw talaga ang bahay ng kanilang pamilya, hindi na raw talaga nakatira dito ang aktres dahil mayroon na rin siyang sarili niyang bahay. Ngunit, dahil sa nangyaring community quarantine nagdesisyon na lamang siya na manatili na lamang muna rito kasama ang kanyang mga kapatid lalo pa’t ang kuya niya ang lang ang tanging nakatira rito.

“Ito yung family house namin, bakit hindi na ako nandito, ngunit dahil sa nangyaring lockdown at ECQ ulit, napagpasyahan kung mag-stay na lang muna ako kasama ang aking kapatid. Kasi kuya ko na lang yung nakatira dito. ”

Sa video na ibinahagi ni Maja, mapapanood ang ganda ng kanilang bahay. At kung saan tayo ay kanyang ililibot sa loob ng kanilang tahanan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Viral ngayon ang isang proposal sa isang babae, habang ito ay naka-live na nag-oonline selling

Sa Edad na 74, tanging ang pagsisid ng barya sa dagat ang ipinangbubuhay sa pamilya