in

Maantig sa kwento ng isang amang nagtiyagang itulak at samahan ang nakawheelchair na anak sa pagtake ng LET at hanggang sa pag-apply ng trabaho

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang karangalan para sa mga magulang ang makapagtapos ang kanilang anak dahil para sa kanila ang pag-aaral ang tanging kayamanan na kanilang maipapamana sa anak na hindi mananakaw ng kahit na sinuman.

Isang nakakaantig at nakakainspired na kwento ang ibinahagi ng isang netizen na nagngangalang Zaldy Ordiales Bueno sa social media tungkol sa isang mag-ama, ayon sa kanya talagang nakakaluha ang sitwasyon ng mag ama dahil ang anak nito ay isang PWD at tanging ang ama nito ang nagtutulak ng wheel chair papunta sa paaralan na pag-aapplyan niya bilang isang guro.

Nang makausap ni Zaldy ang aplikanting nasa wheel chair, napag alaman niyang natigil sa pag aaral ang aplikante nang ma aksidente ito kaya upang makahabol, taong 2014 ay kumuha siya ng ALS at sa awa ng Diyos ay nakapasa naman ito. ng tumuntong siya ng kolehiyo, education ang kanyang kursong kinuha at hindi ulit ito nabigo sap ag kuha ng LET taong 2019 dahil naipasa niya rin ito.

At nang mapunta ang usapan tungkol sa mga magulang, nang maitanong ni Zaldy kong nasaan ang mga magulang nito e agad niya rin namang itinuro ang kanyang ama na nasa sulok na nakatingin sa kanilang pag uusap, ibang emosyon ang kanilang naramdaman ng mapag usapan ang magulang ng aplikante dahil ayon sa kanya, tanging ang kanyang ama ang nag tiyagang umalalay itulak ang kanyang wheel chair sa loob ng halos anim na taon, ng siya’y mag kolehiyo ay tanging ang ama na ang gumagawa nito at hanggang nang siya’y mag exam sa LET at hanggang sa kasalukuyang pag a apply niya ng trabaho kasama niya parin ang kanyang napaka buting ama na nag titiyagang itulak ang kanyang wheel chair.

Nang marinig ni Zaldy ang kwento ng buhay ng mag ama ay tela naging inspirasyon ito para sakanya, Edwin Garin ang pangalan ng aplikanteng naka wheel chair na bumusog ng inspirasyon kay Zaldy at sa mga naka basa ng kanyang kwento.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Batang lalaki, binilhan ng turon ang isang babaeng inabutan ng gutom sa loob ng sasakyan

Viral ngayon ang isang proposal sa isang babae, habang ito ay naka-live na nag-oonline selling