in

Sa kabila ng kanyang kapansanan, isang PWD Food Panda rider ang patuloy pa rin sa kanyang paghahanapbuhay

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hindi hadlang ang kapansanan ng isang tao upang mabuhay. Ito ang pinatunayan ng isang PWD na Food Panda rider, na kahit siya ay kulang ng isang paa sinisikap niya pa rin ang maghanap-buhay.

Isang nakakamanghang gawain ang ipinakita ng PWD na ito. Ang netizen na si Reindon Liao ang nagbahagi ng larawan ni tatay na PWD sa kanyang social media account, kung saan nakita niya itong may saklay habang dala ang kanyang idedeliver para sa kanyang customer.

Nang makita ito ni Reindon, bigla niyang napagtanto na mali ang madalas niyang pagrereklamo sa kanyang trabaho dahil nang makita niya si tatay na PWD na nagsisipag maghatid ng kanyang idedeliver na order kahit na putol ang kanyang isang paa ay naliwanagan siya sa kahalagahan ng paghahanap-buhay.

Dagdag pa ni Reindon, hindi raw niya maaninag sa mukha ni tatay na nahihirapan ito, at tila ay masaya pa ito sa kanyang ginagawa. Kaya napabilib si Reindon sa pagpupursige ni tatay na isang PWD sa paghahanap-buhay para sa kanyang pamilya. At hindi alintana sa kanya na siya ay may kakulangan upang siya ay makapag-hatid ng mga order para sa kanyang mga customer. Kung kaya’t pati ang mga netizens ay napabilib sa lakas ng loob ng PWD na ito sa kabila ng kanyang kalagayan. Hindi nila akalain na may ganito pa palang klaseng tao na nagsusumikap na mabuhay kahit na sila ay may kapansanan.

Umani ito ng mga positibong komento, kagaya na lamang nito.
“Truly an Inspiration of someone with passion and resilience. Abundance of blessings to you, Sir!”
“Man with dignity and respect. Salute to you sir.”
“I hope the Government would do something for him… Perfect example of people relying on their hardwork than people complaining”.

Tunay ngang isang inspirasyon na maituturing si tatay na PWD, dahil ipinapakita niya na hindi siya nawawalan ng pag-asa upang mapatunayan na kailanman ay hindi siya magiging pabigat sa lipunan. Nawa’y marami pang mga kagaya niya ang magpatuloy sa laban ng buhay sa kabila ng kanilang kakulangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Halos hindi na magkasya sa higaan ng pamilyang ito ang kanilang naipon na pera sa sobrang dami!

Isang Batang lalaki, binilhan ng turon ang isang babaeng inabutan ng gutom sa loob ng sasakyan