in

LoveLove CuteCute CryCry OMGOMG WTFWTF LOLLOL AngryAngry

Isang Batang lalaki, binilhan ng turon ang isang babaeng inabutan ng gutom sa loob ng sasakyan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Naantig si Joy Anne Vicente, ang babaeng nakatanggap ng turon na bigay ng isang batang parking boy, hindi niya inaasahang gagawin iyon ng bata. Hindi ito humingi ng kahit na ano sa bata ngunit kusang nagmagandang loob ang bata na bigyan ng turon si Joy. Sa magandang naranasan niya, hindi ito nagdalawang isip na ibahagi ang kabaitan ng bata sa social media, at sa kanyang inaasahan marami ang natuwa at umani ito ng magagandang komento para sa bata.

Ayon kay Joy, nasa Pampanga siya noon sa parking lot ng OWWA habang nag-aantay, hindi inaasahang lalapitan siya ni Joshua ang batang nagbigay sa kanya ng pagkain. Ito ang naging pahayag niya sa kanyang post, “Unang pasok ko sa parking, sa likod lang ako ng isang sasakyan nagpark. So noong aalis na yung sa harapan ko, kinakailangan kong lumabas na mauna to give way and this kid guided me.”

Dagdag niya pa, “Inabutan ko lang siya ng barya at nag thank you ako. Mga 12:20, pumunta siya sa tabi ng sasakyan asking if I’m okay kasi luch time na.”
Nagkaroon ng time na nagkausap ang bata at ang babae, tinanong ni Joy ang bata kung bakit nasa labas ito ay ipinagbabawal ang mga bata na lumabas dahil sa pandemya, ayon sa bata, nakisubo lang daw siya sa mga guard at katatapos niya lang kumain, doon narin daw talaga siya nag-istay sa parking lot. Nagtanong din ang bata kung kumain na si Joy, ngunit hindi pa raw talaga kumakain ito dahil inaantay niya ang kanyang mga kasama at wala din itong dalang pera.

Nang mapag-alamanan ng bata na hindi pa kumakain si Joy, tinanong niya ito kong ano ang gusto niyang kainin at bibilhan niya raw ito dahil may malapit lang din daw na canteen doon ngunit tinanggihan ito ng dalaga. Bigla daw nagtanong ang bata kung may bente pesos ito, dahil may mga barya pa ito binigyan niya ng 10 peso ang bata at pagkaabot ng pera agad na umalis ito at ng bumalik ay may dala dala na itong Turon na marahil ay binili niya gamit yung perang hiningi niya sa dalaga.

Nagulat si Joy ng iabot ng bata ang turon at sabay nagsabi ang bata na kanin sana ang bibilhin niya ngunit dahil 10 peso lang ang binigay ni Joy Turon nalang ang kanyang binili. Sa awa ni Joy sa bata pinipilit niya ang bata na siya nalang ang kumain ng binili niyang turon dahil alam niyang wala itong kinakain dahil nakikisubo lang ito sa mga guard.

Sa ginawa ng bata sa dalaga, sobrang naantig at namangha ito dahil hindi niya aakalain na kung sino pa yung mga mahihirap sila pa yung may mga mabubuting loob na tumulong sa mga nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Sa kabila ng kanyang kapansanan, isang PWD Food Panda rider ang patuloy pa rin sa kanyang paghahanapbuhay

Maantig sa kwento ng isang amang nagtiyagang itulak at samahan ang nakawheelchair na anak sa pagtake ng LET at hanggang sa pag-apply ng trabaho