in

Nang dahil sa pagsusumikap nagkaroon ng katuparan ang pinangarap na bahay ng isang former beauty queen ng “Miss Q and A”, ng “It’s Showtime”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pag-abot natin sa ating mga pangarap lagi nating iniisip ang huwag sumuko. Nagiging determinado tayo upang tuparin ang ating mga mithiin. Lahat ng paghihirap ay nagkakaroon ng magandang resulta kung sipag at tiyaga ay laging sandata. Narito ang isang kwento na magbibigay ng inspirasyon sa bawat taong nangangarap, at kayang sabihin na walang impossible sa kaniya!

Ibinahagi ng dating contestant ng “Miss Q & A” ng noontime show na “It’s Showtime”, na si Exur Pastor Ranoa na mas kilala bilang si Kim Dabaw, ang kaniyang natupad na pangarap dahil sa kaniyang naging determinasyon at pagsusumikap. Pinost niya sa kaniyang facebook, ang itsura na kaniyang bagong bahay kung saan ito ang kanilang dating bahay na sobrang ordinaryo lamang tingnan. Ngunit kaniya itong binago at sobrang pinaganda kaya malayong-malayo na sa dati nitong itsura.

Pagbabahagi ni Exur, labis ang kaniyang naging pasasalamat dahil pagkatapos ng 7 buwan natapos rin sa wakas ang pinapangarap niyang bahay para sa kaniyang pamilya lalong lalo na para sa kaniyang pinakamamahal na ina. Ayon sa kaniya, ang kaniyang ina ang naging inspirasyon niya upang malagpasan niya ang lahat ng hirap sa buhay at lalong magsumikap.

Ang pinangarap na bahay ni Exur ay isang 2-storey modern residential house na may roofdeck. Ang tinatayuan ng kanilang ay may lawak na 200 sqm, pagpasok sa loob ng kanilang bahay mayroon itong floor area na 120 sqm. Ang loob ng kanilang magandang tahanan ay mayroong apat na silid-tulugan, tatlong banyo at isang paliguan, sala, hapag-kainan at ang kanilang kusina. Hindi rin mawawala ang kanilang malawak na terrace, garahe at ang kanilang utility room. At siyempre ang pinaka-higlight na kanilang bahay, ang kaniyang Exur Collections Shop, Make-up Studio at ang kaniyang E Room (Exur’s Room, Executive Room, Entertainment Room).

Dagdag pa ni Exur, ilang beses din daw siyang parang pinaglaruan ng tadhana dahil makailang beses siyang nakaranas na siya ay pinipilit na hinihila pababa. Ngunit, gayunpaman siya ay nanatiling mapagkumbaba at matatag sa pag-abot ng kaniyang mga pangarap. Labis siyang nagpasalamat sa lahat ng tao ng patuloy na tumatangkilik, nagmamahal at sumusuporta sa kaniyang negosyo ang Exur Collections. Nagpasalamat rin siya sa naging malaking opurtunidad na binigay sa kaniya ng Miss Q and A ng It’s Showtime na talaga namang nagpabago sa kaniyang buhay.

Ayon pa kay Exur,
“Hindi biro ang hirap, pagod at luha para maisakatuparan ang lahat ng ito pero para sa pamilya lahat kakayanin! Mangarap ka ng mataas at tupadin mo ito. Libre mangarap. Walang madali sa mundo. PipilIin mo lang kung ano ang karapat dapat laan ng mga paghihirap mo! Kung gusto mo ng sumuko…isipin mo nalang ang dahilan kung bakit mo to sinimulan.”

Ito ay isang patunay, na walang impossible sa anumang mga bagay na gustuhin kong patuloy na magtitiwala sa poong maykapal. Sabi nga sa bibliya, “When the time is right, I, the Lord will make it happen.” Ito ay isang inspirasyon sa lahat ng taong nangangarap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Inilibre ng isang mabait na service crew at ng isang kustomer ang lalaking ito na tanging tubig lamang ang inuulam sa kanin

Halos hindi na magkasya sa higaan ng pamilyang ito ang kanilang naipon na pera sa sobrang dami!