in

CryCry

Inilibre ng isang mabait na service crew at ng isang kustomer ang lalaking ito na tanging tubig lamang ang inuulam sa kanin

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap na buhay ngayong panahon ng pandemiya, napakahirap ang maghanap ng pagkakakitaan lalo pa’t kung ikaw lamang ang inaasahan ng iyong pamilya. Ngunit may mga tao pa rin ang hindi nawawalan ng pag-asa, na matiyagang naghahanap ng trabaho sa kabila ng pandemiya. Katulad na lamang ng lalaking ito na tiniis ang gutom upang makahanap lamang ng trabaho.

Ibinahagi ng isang service crew sa isang restaurant, ang kwento ng isang lalaking tanging tubig lamang ang inuulam sa kanin sa kabila ng gutom na naranasan nito. Ayon sa serive crew na ito, napapansin niya raw ang lalaking ito na tumitingin sa salamin ng restaurant sa mga taong kumakain. Labas pasok pa nga daw ito sa kanilang restaurant at tila napapansin niyang hindi naman umano ito bumibili ng pagkain. Dagdag pa ng service crew, baka marahil nahihiya itong magsabi kaya siya na lang mismo ang lumapit at nagtanong kung ano ang hinahanap nito.

Sabi ng lalaki, kung maaari ba daw siyang makabili ng isang order ng kanin dahil gutom na gutom na raw siya at kanin lamang ang kaya niyang bilhin. Kaya binigyan siya ng service crew ng kanin at hindi na ito pinabayaran sa kanya at binigyan siya nito ng dalawang basong tubig na maiinom.

Maya maya pa ay nilapitan siya ng isang lalaki at binilhan siya ng pagkain dahil naawa ito sa kanyang kalagayan at kinausap niya ang nakakaawang lalaki. Sinagot naman siya ng lalaki kahit na halatang ito ay nahihirapang magsalita dahil sa gutom na kanyang naranasan, dahil nanginginig pa ito habang kumakain. Ngunit sa kabilang banda naiintidihan pa rin naman siya ng netizen na ito.

Ayon sa kwento ng lalaki, galing pa daw siya sa Tacloban City siya ay lumuwas ng Maynila upang maghanap ng trabaho ngunit naabutan raw siya ng lockdown. At dahil sa kanyang paghahanap ng mapapasukan naubos ang baon niyang pera at hindi siya pinalad na makahanap ng trabaho. Kung kaya’t sinubukan niyang maghanap sa ibang lugar ng trabaho hanggang sa nakarating siya ng Nueva Ecija sa kasamaang palad wala rin siyang nahanap. Dahil sa sobrang kapos na siya sa pera, nagpasya na lamang siyang maglakad ng walong araw hanggang sa marating niya ang Pampanga. Sa kanyang paglalakad, lahat ng establisyemento ay kanyang tinatanungan kung nangangailangan sila ng trabahante.

Dahil naantig ang lalaking netizen sa kanyang kwento, ay dinagdagan nito ang pagkain ng lalaki upang may makain siya sa kanyang pagkikipag-sapalaran. Hindi naiwasan ng lalaki ang maluha dahil hindi niya inakalang may taong may mabubuting puso ang tutulong sa kanya. Kaya labis siyang nagpasalamat sa service crew at sa lalaking tumulong sa kanya dahil raw kasi dito nalagpasan niya ang kanyang gutom na dinaranas.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Celebrity mom, Mariel Padilla, ibinahagi sa madla ang sikreto ng kanyang matagumpay na weight loss

Nang dahil sa pagsusumikap nagkaroon ng katuparan ang pinangarap na bahay ng isang former beauty queen ng “Miss Q and A”, ng “It’s Showtime”