in

CuteCute OMGOMG

Celebrity mom, Mariel Padilla, ibinahagi sa madla ang sikreto ng kanyang matagumpay na weight loss

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bumungad sa mga fans at netizens ang sikreto sa matagumpay na pagbabawas ng timbang ng celebrity mom na si Mariel Padilla. Matapos kase manganak nito sa second baby ng kanyang husband na si Robin Padilla ay napapansin na ng mga netizens ang pagdadagdag ng weight ni Mariel. Ang iba ay hindi naiwasang punahin ang aktres sa kanyang biglaang paglaki.

Madalas kaseng mag upload ang aktres sa kanyang YouTube vlog tungkol sa mga kanyang daily life activities bilang mommy of two at dito ay napapansin nga ng mga fans ang pagdaragdag ng timbang ng aktres.

Dahil malakas ang fighting spirit ng aktres ay hindi ito basta basta nagpa apekto at sa halip ay pinush nito ang sarili na magbawang ng timbang. Umabot pa sa 197 pound o halos 90 kilos ang timbang ni Mariel. Bagamat normal lamang na magkaroon ng pagbabago sa katawan dahil kakagaling lamang nito manganak ay pinili rin ng aktres na magbawas ng timbang para isang healthy lifestyle.

Inamin naman ni Mariel na napapasarap ang kain nito lalo na’t isa siyang breastfeeding mom. Isang taon niyang pinabreastfeed ang mga anak simula sa kanyang panganay na si Isabella at gayun rin ang ginawa nito sa bunsong anak na si Gabriella. At dahil natapos na ang goal nitong magpa breastfeed ay sinumulan na nga ng aktres ang kanyang fitness goal na talaga namang na achieve nito at nagpahanga sa mga netizens.

Ginawa nito ang kanyang fitness journey at kumuha na rin ng nutritionist upang magabayan sa tamang pagkain. Pinili nitong maging pescatarian kung saan isda at gulay lamang ang kinakain at madalas itong mag steam ng pagkain kaysa mag prito. Gumagamit rin ito ng blender upang makapagblend ng healthy juices.

Tampok rin sa kanyang vlog ang kanyang fitness journey. Sa katunayan ay mahilig ito sa kani salad na may dried seaweeds at pati na rin ang asawa na si Robin Padilla ay nagustuhan ito. Kasama ang tamang disiplina at araw araw na pag eehersisyo ay nabawasan na si Mariel ng 42 pounds sa loob ng tatlong buwan. Kaya naman ay panawagan ng aktres sa mga gusto rin mag dieyeta ay gawin ang diyeta ng tama at kumain ng masusutansyang pagkain.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Marami ang naantig ang puso sa isang amang dala-dala ang kaniyang anak na sanggol pa lamang habang naglalako ng kanyang paninda

Inilibre ng isang mabait na service crew at ng isang kustomer ang lalaking ito na tanging tubig lamang ang inuulam sa kanin