in

Casa Esperanza ni Zsa Zsa Padilla, ang super relaxing na bahay bakasyunan na talaga namang nakakabilib ang ganda nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Hinangaan ang kakaiba at napakagandang bahay bakasyunan ni Zsa Zsa Padilla sa Lucban Quezon. Proud na proud ang singer nang matapos ang kanyang farm house project kasama ang kanyang fiancée na si Conrad Onglao. Napili nilang lugar para dito ay sa bakanteng lote sa Barangay Piis, Lucban, Quezon.

Talaga namang dream come true ito para sa singer-actress at lubos na ipinagmamalaki ang kanyang “Casa Esperanza”. Sa tulong ng kanyang fiancée na isang arkitekto ay napaganda nila ang kanyang bahay bakasyunan. Ito ay sinimulan noong March 2018 at simula noong ay laging nagbibigay ito ng updates sa ipinapagawa na bahay bakasyunan.

Ang pinili nilang disenyo ay modern rustic farm house kung saan ay gumamit sila ng recycled na kahoy tulad ng Yakal at mas binigyang diin ang paglalagay ng glass upang makapasok ang natural light.

Tampok rin dito ang mga artifacts at collectibles na pagmamay-ari ng dalawa na binili nila sa ibang bansa. Sa kanyang receiving area ay mayroong lily pond na nagdaragdag sa relaxing ambience ng lugar at pati na rin ang mga massage beds kung saan pwede siya magpamassage kasama ang mga bisita.

Mayroon rin mahabang swimming pool na may seating area at fireplace kung saan pwede sila magbonding kasama ang kanilang mga mahal sa buhay. Mayroon rin tatlong villa sa loob ng property nito para sa kanyang mga bisita upang mabigyan ng privacy ang mga ito at mas lalong mag-enjoy sa kanilang stay.

Asian style naman ang pinili nilang interior design sa mga ito upang makuha ang kanilang goal na relaxing ambiance. Bagamat modern ay gumamit pa rin sila ng mga materyales na lokal at talagang masasabing Asian style.

Samantala, ang Casa Esperanza ay ipinaparent rin nila sa Airbnb kapag nasa syudad sila kaya naman ay hindi lamang ito bahay bakasyunan para sa kanila at sa kanilang pamilya. Tunay na napakaganda ang mala-paraisong bahay bakasyunan ni Zsa Zsa Padilla at kahanga hanga ang disenyo nila rito. Binabalak pa nito nag awing sustainable ang kanilang bahay bakasyunan sa pamamagitan ng pagtatanim ng mga gulay at halaman.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Walong magkakapatid na naulila ng ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa

Isang mabuting netizen, walang alinlangang isinauli ang napulot na susi ng sasakyan ng isang babae, hinangaan sa kanyang katapatan