in

OMGOMG

Maja Salvador, inamin na nawalan ng maraming endorsement noong naging sila ni Gerald Anderson

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Walang kupas ang galing sa pagsasayaw, ubod rin ng ganda at talento si Maja Salvador. Subalit tulad ng iba sa atin ay sadyang nakakagawa tayo ng pagkakamali tuwing umiibig at hindi exception roon si Maja Salvador. Sa katunayan ay inamin ng aktres sa isang interview ng G3 San Diego for Mega Entertainment na tunay umanong naapektuhan ang kanyang karera sa showbiz nang maging karelasyon si Gerald Anderson.

Tumagal ng dalawang taon ang pagsasama nila ni Gerald Anderson. Unang kinumpirma ng dalawa ang status nila noong 2013 at 2015 naman nang mapabalita na naghiwalay na ang dalawa.

Matatandaan na bago pa man sumikat si Gerald ay si Kim Chiu na ang ka loveteam nito at karelasyon. Tinawag na “kimerald” ang tandem ng dalawa at talaga namang umani ng maraming tagahanga. Sa pagkakataon na iyon ay bestfriend ni Kim Chiu si Maja at nang maging magkarelasyon si Maja at si Gerald ay inulan ng batikos ang dalawa.

Sa panayam naman kay Kim Chiu sa programa ni Vice Ganda ay inamin ng aktres na ang dahilan umano ng kanilang hiwalayan ay “third party”. Hindi man binanggit ni Kim kung sino ay madali na lamang mahulaan kung sino ang tinutukoy nito.

Sa mga sumunod na pangyayari ay nabawasan ang mga tagahanga ni Maja at marami ang bumatikos sa aktres. Nagdulot ng negatibong pananaw sa mga madla ang pagkakaroon nito ng relasyon kay Gerald kaya naman ay naapektuhan rin ang karera nito sa industriya ng showbiz na lubos na umaasa sa irereact ng mga manonood at fans. Ayon kay Maja, Äko talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”

“Dapat hindi naming pinilit. Oo, na-in love kami sa isa’t isa. Pero siguro ýung mahirap na sa umpisa pero parang andyan na eh! Alam mo ýung ganon?”

“Pero alam mong nag-struggle kami dalawa individually. Kasi ako gapang talaga from the start. Kasi siya, dumadami pa ýung commercials niya. Ako talaga as in gapang ako, wala ako. Nawalan ako ng mga endorsement.”

Talaga namang nakakagawa tayo ng maling desisyon tuwing umiibig at buti na lamang sa ngayon ay nakaraos na ang aktres bagamat hiwalay na sila ni Gerald. Maraming pinto ang binubuksan nito ngayong talent manager na si Maja ng sarili nitong kompanya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Dalawang Magkapatid Na Naulanan At Nakatulog Sa Kalsada Habang Nagbebenta Ng Sampaguita, Kinaantigan!

Walong magkakapatid na naulila ng ama at iniwan ng sariling ina, hinandugan ni Raffy Tulfo ng bahay at lupa