in

OMGOMG

Dalawang Magkapatid Na Naulanan At Nakatulog Sa Kalsada Habang Nagbebenta Ng Sampaguita, Kinaantigan!

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay ngayon, pati mga batang imbes na nag-aaral at naglalaro ay nagagawang maghanapbuhay. Sa mura nilang kaisipan, hinaharap na nila ang responsibilidad na hindi naman dapat sila ang humaharap. Kumakayod sila sa napakagaan nilang mga katawan upang kumita lamang ng salapi para sa kanilang pamilya. Nakakalungkot isipin na may mga batang napipilitang maghanapbuhay sa napakabata nilang edad.

Katulad na lamang ng magkapatid na ito, nang dahil sa kahirapan ng buhay ay nagtitinda na lamang sila ng sampaguita sa lansangan. Ang larawan ng magkapatid na ito ay nag-viral sa social media, kung saan yakap-yakap ng batang lalaki ang kaniyang kapatid habang sila ay nakatulog sa gilid ng kalsada at hawak-hawak pa nila ang kanilang ibinebentang sampaguita. Marahil ang dalawang batang ito napagod sa buong araw na pagtitinda ng kanilang sampaguita.

Nakakadurog ng puso ang sitwasyon ng magkapatid na ito, dahil tila nabasa sila ng kakatapos lamang na ulan. Kung kaya’t sila ay napaupo sa gilid ng kalsada upang magpahinga at hindi nila namalayang sila ay nakatulog sa sobrang pagod sa pag-iikot ng kanilang sampaguita. Kinaantigan ng mga netizens ang mga batang ito, dahil karga-karga ng batang lalaki ang kaniyang kapatid habang sila ay naglalako. Kung kaya’t ang tanong ng karamihan nasaan na ang mga magulang ng dalawang bata ito. Na tila pinabayaan na nila ang kanilang mga anak na maghanapbuhay sa lansangan imbes na sila ay masayang nag-aaral at naglalaro.

Ang larawan ng magkapatid na ito ay ibinahagi ni Nahara Pagayawan, dahil naawa siya sa mga ito. Ang mga netizens naman na nakakita ng post, ay nanawagan ng tulong sa programa ni Idol Raffy at sa pamunuan ng DSWD kung saan sila ay nararapat lamang ng kunin sa lansangan at alagaan upang mabigyan ng tulong at gabay.

Kahit mahirap ang buhay, hindi dapat hinahayaan ng magulang na maghanapbuhay ang kanilang mga anak sa mura nilang edad. Ang bawat bata ay may karapatang mag-aral, maglaro at magkaroon ng magandang buhay. Sana’y marami ang makapansin ng sitwasyon ng mga batang ito upang sila ay higit na matulungan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Biniyayaan ang isang dalagang inakala niyang walang-wala na siya, ito ang “Ten-Peso Coin Story” na siguradong kakapulutan ng aral

Maja Salvador, inamin na nawalan ng maraming endorsement noong naging sila ni Gerald Anderson