in

CryCry LoveLove CuteCute OMGOMG LOLLOL AngryAngry

Tinitiis Ng Isang Ama Ang Lamig Na Dulot Ng Ulan Habang Nagbebenta Ng Kamote Upang May Maiuwi Na Kita Para Sa Pamilya

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Lahat ng tao ay nagsasakripisyo upang mabuhay lamang sa araw-araw. Kahit simpleng pagkakakitaan ay kanilang pinapasok kumita lamang ng pera. Hindi lahat ng tao pareho ang kalagayan sa mundo, kaya ang taong mahihirap ay mas lalong nagsusumikap para sa kanilang kumakalam na sikmura.

Isa na rito ang ibinahaging kuhang larawan ni Cindz Mallari-Rodriquez sa kaniyang facebook, ang kalagayan ng isang lalaking matiyagang nagbebenta ng mga kamote kahit na naabutan ito ng katatapos lang na ulan. Naawa si Cindz sa naging sitwasyon ng lalaki, dahil kahit nabasa ng ulan ang kaniyang mga itinitinda ay hindi na naging alintana ito sa kaniya. Tinitiis ng lalaki ang lamig, upang makabenta lamang ng kaniyang mga kamote para may maiuwing pera para sa kaniyang pamilya.

Sa iba pang mga kuhang larawan ni Cindz, makikitang may isang lalaking bumili at tila napansin niyang nakararamdam na ng panginginig ang lalaking tindero dahil sa nabasa siya ng ulan. Labis na nakaramdam ng naawa si Cindz, kaya sinabihan niya ang kaniyang ama na bumili ng kamote sa lalaki at huwag ng kunin ang sukli para may maiuwi naman siya kaniyang pamilya. Namangha siya sa ipinakitang katiyagaan ng lalaki kaya taas noo ang kaniyang pagsaludo rito. Kaya naman nanawagan si Cindz sa social media, na tulungan ang lalaking ito na maubos ang kaniyang mga ibinentang kamote.

Maraming mga social media users ang naantig sa nakitang kalagayan ng lalaki. Umani ito ng samu’t saring mga komento kagaya lamang ng mga ito,
“Sana matulongan po si Kuya”
“Kwawa nman po c tatay. Pki share po para may makatulong sa kanya. Kung may magagawa lang po talaga ako”.
“Tiis lang pot ay…ang importanti nsa legal ang hanapbuhay at maayos,, pagpalain po kau ng panginoon.”

Hindi na baleng simple lang ang paghahanapbuhay ang mahalaga ito ay marangal na pinagkakakitaan. Isang inspirasyon na maituturing ang lalaking ito dahil sa ipinakita niyang kasipagan at pagtitiyaga na maubos ang kaniyang mga paninda upang may maiuwi man lamang sa kaniya pamilya. Nawa’y may mga taong mabubuting puso ang tumulong sa kaniya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hindi Bridal Car Kundi Bridal Tricycle Ang Gamit Ng Isang Bride Sa Kanyang Kasal Na Ngayon Ay Viral

Biniyayaan ang isang dalagang inakala niyang walang-wala na siya, ito ang “Ten-Peso Coin Story” na siguradong kakapulutan ng aral