in

CryCry LoveLove CuteCute OMGOMG WTFWTF AngryAngry LOLLOL

Nagviral ang nakakaiyak na larawan ng isang amang nagbibilang ng kaniyang inipon na baryang pera para sa operasyon ng kaniyang anak

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagmamahal ng isang magulang ay walang hanggan. Lahat ay isinasakripisyo nila para sa kinabukasan ng kanilang mga anak. Ginagawa nila ang lahat upang maitaguyod lamang ang pangangailangan ng kanilang pamilya. Kaya masakit para sa isang magulang ang nakikitang naghihirap ang anak. Narito ang kwentong tatagos sa ating mga puso tungkol sa pagmamahal ng isang ama sa kaniyang anak.

Kamakailan lamang ang netizen na si Jenny, ay nagbahagi sa facebook ng isang larawan ng lalaki kung saan makikita itong nasa loob ng ospital. Ang lalaking ito ay kinilalang si Jeric Aqyuino Treste isang ama, ang kaniyang anak na si Zhianna Ezra Trestre o kinilalang si Baby Esang ay may sakit. Sa ibinahaging larawan, makikita na nagbibilang ito ng mga inipon niyang barya na para sa operasyon ng kaniyang anak.

Ang nakakaawang kalagayan ni Jeric at ng kaniyang anak ang pumukaw sa damdamin ng mga netizens. Mahirap lamang ang buhay ng mag-ama, dahil halos kulang ang kinikita ni Jeric upang makaipon ng malaking halaga para maoperahan ang kaniyang anak. Ayon kay Jeric, ang kaniyang anak na si Baby Esang ay may sakit sa atay at nagkaroon umano ito ng flu at matinding ubo dahil sa komplikasyon kaya nangangailangan ito ng liver transplant. Kung kaya’t namalagi sa ospital ang pamilya ni Jeric ng halos dalawang linggo.

Ayon sa mga medical staff na naka-duty nung mga oras na iyon ang mga barya na binibilang umano ni Jeric ay puro sentimo lamang na kaniyang pinagsama-sama upang makabuo ng malaking halaga. Dahil sa naramdaman ng netizen na si Jenny sa kalagayan ng mag-ama, ginawan niya ng Facebook page si Baby Esang upang maihingi ito ng tulong sa publiko na makakatulong sa operasyon ng bata.

Humihingi ng tulong si Jenny sa iba pang mga netizens na i-share ang kaniyang post upang mas marami ang makakita at nais tumulong para sa liver transplant ni Baby Esang. Labis namang nagpasalamat si Jeric sa ginawang tulong sa kaniya, kaya dahil dito nagagawa na niya ang ngumiti sa kabila ng kanilang paghihirap.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin Ang Mga Artistang Naging Inspirasyon Ng Karamihan Dahil Sa Pagkakaroon Nila Ng Sariling Taniman Ng Gulay At Prutas Sa Gitna Ng Sitwasyon Ngayon

Hindi Bridal Car Kundi Bridal Tricycle Ang Gamit Ng Isang Bride Sa Kanyang Kasal Na Ngayon Ay Viral