in

Hindi Bridal Car Kundi Bridal Tricycle Ang Gamit Ng Isang Bride Sa Kanyang Kasal Na Ngayon Ay Viral

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Bawat babae ay iniimagine ang kanilang magiging kasal pagdating ng panahon. Marami sa mga ito ay mala-fairytale o kaya naman ay mala-Marian Rivera ang inaasam na gown. Kasama sa ang magarang wedding gown ay ang malaking wedding cake at magarang bridal car na maghahatid sa simbahan. Kadalasan ay puti na kotse na may bulaklak sa unahana ng pinipili na bridal car at para naman sa mga may kaya ay limousine ang choice. Subalit, isang bride ang pinili na tricycle ang kanyang Bridal Car sa kanyang kasal at marami sa mga netizens ay humanga rito.

Napakaganda at mararamdaman ang tuwa sa mga ngiti ng bride na si Kareeza Faith Tullo-Atrero sa mga litrato na kuha sa kanyang kasal. Nagviral ang kasalan na ito dahil sa paggamit niya ng tricycle bilang bridal car. Sa katunayan ang tricycle na ginamit ni Kareeza ay pamamay-ari ng kanyang Ama. Nilagyan ito ng palamuti at mga bulaklak upang mas lalong gumanda ang dating nito.

“On my wedding last December, I chose to ride on a Tricycle rather than a car. Mas gusto kong ihatid sa simbahan gamit ang tricycle na naging malaking parte ng aking buhay,” paghahayag ni Kareeza sa kanyang Facebook post.

Naalala nito ang paghihirap ng kanyang Ama na itaguyod ang pamilya sa pamamagitan ng pamamasada. Umulan man o umaraw ay tuloy tuloy ang pamamasada ng kanyang Ama upang masuportahan siya sa kanyang mga pangangailangan. Bilang pagbibigay parangal at pagkilala sa pagsusumikap ng kanyang Ama at pinili nitong ihatid siya gamit ang tricycle na naging parte ng kanilang hanapbuhay.

“I believe, this is the best chance I can HONOR my father for all his hardworks as a tricycle driver working so hard para sa aming pamilya,” pagkukuwento ni Kareeza sa kanyang Facebook post.

Bagamat tricycle ang bridal car ay masayang masaya si Kareeza nang ihatid ito ng kanyang Ama sa simbahan at sa aisle upang masimulan ang bagong yugto ng kanyang buhay. Pagdaragdag nito, ““Proud ako sa kung sino s’ya. Proud ako na s’ya ay isang mabuting Ama. Proud ako na s’ya ay matapat na tricycle driver. At proud ako na ako ay kanyang anak. And to every girl and boy reading this, I hope we do take every opportunity to honor our parents. And to those who have lost their parents, I know up there— they are happy to see you happy! Hindi ka man nila mailakad sa altar, baon mo sigurado ang pagmamahal nila.”

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nagviral ang nakakaiyak na larawan ng isang amang nagbibilang ng kaniyang inipon na baryang pera para sa operasyon ng kaniyang anak

Tinitiis Ng Isang Ama Ang Lamig Na Dulot Ng Ulan Habang Nagbebenta Ng Kamote Upang May Maiuwi Na Kita Para Sa Pamilya