in

Silipin Dito Ang Magagandang Handmade Pillow Cover Na Gawa Mismo Ng Aktres Na Si Lucy Torres Gomez

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ngayong panahon ng pandemiya, halos karamihan sa mga celebrity ay nahilig sa halaman at naging business ang paghahalaman. Ngunit iba naman ang kinahiligan ng aktres na si Lucy Torres Gomez, dahil siya ay nahilig sa pananahi na hindi gumagamit ng makinang pangtahi.

Source: Lucy Torres-Gomez

Sa Instagram post ng aktres, kaniyang ibinahagi ang kaniyang naging abala sa pagtatahi ng kanilang mga sariling pillow covers. Makikita sa larawan ang iba’t ibang disenyo ng ginamit niya tela upang makagawa ng mga punda at tila nangingibabaw ang kulay asul sa mga kulay na ito.

Source: Lucy Torres Gomez

Kitang-kita naman na ini-enjoy ng aktres ang kaniyang ginagawang pananahi kahit na nakatutok siya sa paggawa. Mapapansin rin sa kaniyang mga gawa ang halos bulaklakin ang disenyo ng kaniyang mga pillow covers. Sinimulan ni Lucy ang pagtatahi ng kaniyang mga handmade pillow cover noong nagkaroon ng community lockdown. Kung ang iba ay nahilig sa mga halaman, siya naman ay nahumaling sa kaniyang pananahi. Nakakamangha na hindi gumagamit ang aktres ng makinang panahi, dahil kaya niyang gawin ito ng mano-manong pananahi.

Source: Lucy Torres Gomez

“Some of the pillow covers I have sewn over last year’s lockdown —- every single stitch by hand. Alternately working on other little cases and pouches, too, also a patchwork quilt in many shades of blue. A sundress next!♥️” ayon pa sa aktres.

Source: Lucy Torres Gomez


Hindi lang pillow covers ang kayang gawin ni Lucy, pati na rin ang paggawa ng mga cases at pouches na may touch of color blue. Marami naman ang nag-aabang sa kaniyang handmade sundress. Kapansin-pansin na tila paboritong kulay ng aktres ang color blue. Busy man sa kaniyang trabaho si Lucy, ipinakita niya pa rin ang kaniyang naging kakayahan sa paggawa ng mga bagay na ka-produktibo.

Ito ang naging enjoyment ng aktres habang siya ay nasa loob ng kanilang tahanan. Kaya naman maraming mga netizens ang labis na namangha sa kaniyang ipinakitang galing sa pananahi. Narito ang mga positibong komento sa kaniya ng mga netizens,
“So pretty! Can’t wait to see the sundress!❤️✨”
“How grounded! This makes you more admirable and loveable!❤❤”

Source : Lucy Torres Gomez

Hindi lang ordinaryong mga tao ang maraming kinahiligan ngayong p@ndemiya, ito ang magpapatunay na sa kabila ng krisis may mga magagandang bagay tayong nagagawa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Naalala Niyo Pa Ba Ang Teen Actress Na Si Anna Larrucea, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon Matapos Iwan Ang Karera Sa Showbiz

Kilalanin Ang Mga Artistang Naging Inspirasyon Ng Karamihan Dahil Sa Pagkakaroon Nila Ng Sariling Taniman Ng Gulay At Prutas Sa Gitna Ng Sitwasyon Ngayon