in

Kilalanin Ang Mga Artistang Naging Inspirasyon Ng Karamihan Dahil Sa Pagkakaroon Nila Ng Sariling Taniman Ng Gulay At Prutas Sa Gitna Ng Sitwasyon Ngayon

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa gitna ng p@ndemiya, naging limitado ang paglabas ng mga tao upang makabili ng mga pagkaing kailangan sa pang araw-araw. Kaya naman ito ang nagturo sa bawat isa na maging responsible kung paano mabubuhay sa bawat araw. Dahil dito nauso ang pagtatanim upang may mapagkuhaan ng mga gulay at prutas na kailangan sa pagpapalakas ng resistensiya. Hindi lamang ordinaryong tao ang nahilig dito pati na rin ang mga celebrity na nagpagawa ng kanilang sariling mga hardin sa likod ng kanilang mga bahay.

Narito ang mga celebrity na naging harvester ng kanilang sariling mga garden:

Liz Uy

Ang fashion designer at stylist na si Liz Uy ay nagpagawa ng kanilang sariling garden ng kanilang mga gulay at prutas. Minsan nang nagbahagi si Liz ng larawan sa kaniyang Instagram kung saan kasama niya ang kaniyang anak na si Xavi na nag-aalaga ng kanilang ng mga tanim. Makikita sa larawan na napaka-lusog na ng kanilang mga tanim.

Neri Naig-Miranda

Ang aktres na si Neri Naig aminadong kahit noon pa man ay mahilig na talaga siyang magtanim. Simula noong hindi na siya naging aktibo sa showbiz, mas pinili na lamang ni Neri na manatili sa loob ng kanilang bahay at asikusahin ang kaniyang pamilya. Dahil sa p@ndemiya, mas nagkaroon ng pagkakataon si Neri na palaguin ang mga kaniyang vegetable garden na hitik sa bunga. Kamakailan lamang niya na post, ibinahagi ng aktres ang isang video kung saan nakapag-harvest siya ng kanilang mga tanim na kamatis, sili at talong sa tulong ng kaniyang ina.

Chesca Garcia-Kramer

Ang pamilya ng aktres na si Chesca Garcia ay mayroong malawak na garden sa likod ng kanilang bahay kung saan napakarami ang kanilang mga tanim na gulay at prutas. Malaki rin ang naging epekto sa kanila ng pandemiya dahil lagi silang nakakaharvest ng kanilang mga tanim na ginagamit nila sa kanilang pang araw-araw na pamumuhay.

Mylene Dizon

Laging ibinabahagi ng aktres na si Mylene Dizon ang kaniyang organic farm sa Cavite City. Kung saan makikita rito ang napakarami niyang mga tanim na gulay at prutas. Ayon pa sa aktres, hinihikayat niya ang lahat na magtanim ng mga gulay at prutas upang may pagkuhaan ng pangangailangan sa gitna ng p@ndemiya. Makikita rin sa kaniyang mga post na napakalusog ng kaniyang mga hinaharvest na mga gulay.

Zsa Zsa Padilla

Ang aktres na si Zsa Zsa Padilla ay ipinasilip ang kaniyang “Casa Esparanza”, ito ang kaniyang malawak at magandang farm na nasa Lucban Quezon. Sa farm na ito ng aktres, ay halos marami na siyang nahaharvest na mga gulay at prutas. Ito ang pinagkaabalahan ni Zsa Zsa habang ang lahat ay nasa gitna ng p@ndemiya.

Coco Martin

“Ang Probinsiyano” lead star na si Coco Martin, ay ibinahagi rin ang kaniyang malawak na garden sa likod lang ng kanilang magandang bahay. Minsan pinipost ng aktor ang kanilang mga tanim sa kaniyang social media at marami ang namamangha sa kanilang mga nahaharvest.

Ang pagtatanim ay malaki ang naitutulong sa ating mga buhay. Dahil ito ang nagtuturo sa atin kung paano ang magtipid at maging disiplinado na hindi umasa sa iba sa panahon ng pangangailangan. Tunay silang inspirasyon ng marami upang maging responsableng mamamayan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Silipin Dito Ang Magagandang Handmade Pillow Cover Na Gawa Mismo Ng Aktres Na Si Lucy Torres Gomez

Nagviral ang nakakaiyak na larawan ng isang amang nagbibilang ng kaniyang inipon na baryang pera para sa operasyon ng kaniyang anak