in

LoveLove

Naalala Niyo Pa Ba Ang Teen Actress Na Si Anna Larrucea, Ito Na Pala Ang Buhay Niya Ngayon Matapos Iwan Ang Karera Sa Showbiz

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami pa rin ang nangangarap na magkaroon ng karera bilang artista subalit mayroon namang mga aktor at aktres na mas piniling talikuran ang kanilang karera sa showbiz at pinili ang simpleng pamumuhay. Isa na rito ang teen actress na ubod ng ganda na si Anna Larrucea.

Naaalala ba ninyo ang palabas noon na ‘Magic Temple’? Dito sumikat at nakilala ang teen actress na si Anna Larrucea. Marami ang humanga sa acting skills nito at sa mala-anghel na ganda na taglay nito. Naging miyembro rin ito ng youth show noong 90’s na ‘Ang TV’ at napabilang sa cast ng ‘Kaybol’, ‘Mula sa Puso’, at ‘Gimik’.

Bagamat papausbong ang karera sa showbiz ay pinili nitong lisan ang spotlight at lumagay sa simpleng pamumuhay. Siya ngayon ay masaya bilang mother and wife sa kanyang pamilya. Ikinasal ito noong 2013 kay Robert Pangilinan at ngayon ay masaya kapiling ito kasama ang kanilang anak na lalaki.

Hindi naman naging kataka-taka na napabilang sa industriya ng showbiz si Anna Larrucea dahil kitang kita ang mala-anghel na ganda nito. Isama pa ang charming personality nito na bumihag sa mga manonood.

Ang palabas na ‘Magic Temple’ noong taong 1996 ay biggest role na nagpasikat kay Anna Larrucea at dahil rito ay mas lalo siyang sumikat at nakakuha ng marami pang roles sa industriya. Samantala, habang may mga ibang artista na gustong manatili sa industriya at sumisikat habang tumatanda ay mas nakahanap ng ligaya si Anna sa piling ng kanyang pamilya. Mas naging masaya ito bilang asawa at ina sa kanyang pamilya at magpokus sa pag-aalaga at kapiling ang mga ito.

Nabiyayaan sila ng isang anak na lalaki na kamukhang kamuha ni Anna. Mas binigyan oras rin niya ang kanyang pamilya at kamag-anak na nagmamahal sa kanila. Mas mabuting piliin natin kung saan tayo mas liligaya at magbigay atensyon sa mga bagay na tunay na mahalaga sa buhay natin.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Hinangaan At Kinaantigan Ang 10 Taong Gulang Na Batang Babae Na Naging Nanay At Tatay Sa Kanyang Dalawang Kapatid

Silipin Dito Ang Magagandang Handmade Pillow Cover Na Gawa Mismo Ng Aktres Na Si Lucy Torres Gomez