Malaki ang respeto at pagmamahal ng mga Pilipino sa boxing legend na si Manny Pacquiao. Ayon sa ‘The Richest’ annual top 10 list, ay si Manny Pacquiao ang pangatlo sa pinakamayaman na boxer sa buong mundo.

Ang 42-year old na boxer ay may professional record na 67-7-1, 39 KO’s ay pansamantalang iiwan ang kanyang mga gawain bilang senador upang manatili sa training camp para sa sinasabing laban kay Terence Crawford ngayon taon. Maraming fans at manonood ang umaasa na matutuloy ang laban ng dalawang boxing legends.


Si Pacman ay may net worth naman na US#220 million ayon sa celebrity net worth new outlet. Ang nasabing halaga ng net worth nito ay walang dudang totoo dahil sa history na nabuo ni Pacman sa mundo ng boxing. Undeniable na magaling talaga ang pambato ng Pilipinas sa huling apat na dekada ng kanyang karera bilang boxer, kaya naman ay marami ang tagahanga nito na Pilipino at dayuhan sa buong mundo.

Matatandaan na ang huling panalo na talaga namang kahanga-hanga ay noong kalaban nito si Keith Thurman kung saan any napanalunan nito ang WBA superwelterweight title. Matapos ito ay naging abala ito na tulungan ang ating bansa at mga mamamayan na nangangailangan na labanan ang pandemya.

Ang boxer na si Foreman ang nasa ikalawang rango sa pinakamayamang boxer sa mundo. Siya ay two-time former heavyweight champion at Olympic gold medalist at tinatanchang may US $300 million ang yaman. Habang si Mayweather naman ang nakatayo sa top spot ng pinakamayaman na boxer at may professional record na 50-0 undefeated at kumikita ng US$450 million.

Sa maraming okasyon ay hindi ikinahiya ni Pacquiao ang kanyang kwento ng buhay na noon ay mahirap lamang ito. Isa rin ito sa mga nanawagan sa pagtigil ng anti-Asian hate na lumaganap sa US na nagkaroon ng diskrimasyon at pangaapi sa mga Asyanong naninirahan roon kaya tumayo si Pacman at sinabing ‘Fight Me Instead’.
Comments
Loading…