in

Lugar sa Oriental Mindoro Nagkaroon Ng Isang Himala, “Siguro Biyaya ito ng Diyos dahil, Tatlong buwan kami walang huli”

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Isang malaking biyaya nang maituturing ang ibinibigay ng kalikasan. Dahil ang kalikasan ang nagbibigay ng ating mga pangangailangan. Kung wala ang mga ito, paano na lang tayo? Katulad na lamang ng isang post ang nag-viral ngayon sa social media, dahil sa isang himala na nangyari sa mga taga Naujan Oriental Mindoro. Kung saan inulan sila ng pagpapala ng kanilang karagatan.

Ang mga residente ng Naujan Oriental Mindoro ay nagkagulo nang hindi nila inaasahang sobrang daming isda ay inululuwa ng dagat. Ayon sa isang netizen na nakakita sa nangyari, “Parang kumukulo na ‘yung dagat sa sobrang dami ng isda! Siguro biyaya ito ng Diyos.” Laking gulat ng mga tao sa kanilang mga isdang nahuli na tila parang ang dagat na mismo ang nagtutulak sa mga isda para mahuli ang mga ito.

Sa kwento pa ng mangingisdang si Ralf, ang mga tao sa kanilang bayan ay talagang humingi ng himala sa kalangitan dahil halos 3 buwan na silang walang huling mga isda. “Nagulat po kami sa dami ng isda! Dahil mga dalawa o tatlong buwan na po kaming walang huli rito. Nasa 2 tons po lahat-lahat ng nahuli naming noon. Kasama na po ‘yung naipamigay sa mga tao,” dagdag pa niya.

Labis ang naging tuwa at kagalakan ng mga tao dahil sa kanilang nasaksihan na isang himala para sa kanila. Halos umabot ng 2 toneladang tulingan ang kanilang nahuli at sa ngayon lang raw nangyari sa kanila ito kaya itinuturing nila itong isang malaking himala. Hindi makapaniwala ang mga tao dahil pagkatapos ng mga buwan na wala silang huli, ngayon naman ay nag-uumapaw ang biyayang kanilang natanggap.

Ang ibang mga residente ay ginawa na lamang pang-ulam sa kanilang araw-araw ang nahuling mga isda. “Yung nakuha naming, ginawa naming adobo. ‘Yung iba, inihaw namin. ‘Yung iba naman ho, gumawa ng sinaing na tulingan. Biyaya talaga ito na nagkaroon kami ng libreng pang-ulam,” sabi pa ng ilan sa kanila. At siyempre, ang iba naman ay ibinenta nila upang may kitain silang pera.

Kung kaya’t ang mga tao ay nagpasalamat sa biyayang kanilang natanggap na sa kabila ng pandemiya kailanman ay hindi sila pinababayaan ng poong maykapal. Isa itong patunay na ang Diyos ay hindi natutulog sa mga taong tunay na nangangailangan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lolong Mangangalakal, Inulan Ng Biyaya Matapos Magbenta Ng Kaniyang Mga Kalakal Upang May Pambili Ng Gatas Ng Kaniyang Apo

Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao, 3rd-Richest Boxer sa Buong Mundo