in

Isang Lolong Mangangalakal, Inulan Ng Biyaya Matapos Magbenta Ng Kaniyang Mga Kalakal Upang May Pambili Ng Gatas Ng Kaniyang Apo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa hirap ng buhay, maraming mga tao ang nabubuhay lamang sa pangangalakal o pagbebenta ng mga bagay na galing sa basura. Sila ang mga taong hindi ipinanganak na may marangyang buhay, kaya hindi sila namimili ng hanapbuhay upang kumita sila ng pera para sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.

Katulad na lamang ng lolong ito na isang mangangalakal na umaasa lamang sa kaniyang mga kalakal mula sa basura upang may pambili siya ng gatas ng kaniyang apo. Ang kaniyang larawan ay nag-viral sa facebook at marami ang naantig sa kaniyang naging kalagayan.

Ang lolong ito ay si Lolo Patricio Palileyo, 78 taong gulang na nabubuhay lamang sa pangangalakal. Ito na ang naging hanapbuhay ni Lolo Patricio na sa kabila ng kaniyang edad siya ay todo pa rin sa pagkayod upang may maibili lamang siyang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya higit narito ang kaniyang apo. Ang netizen na si Harvey Villanueva Porto ang nagbigay ng tulong kay Lolo Patricio at siya rin ang nagbahagi ng larawan ng matanda sa social media.

Binigyan ng tulong ni Harvey si Lolo Patricio, nang makita niya itong nag-iikot habang nangangalakal. Ayon kay Harvey, naawa siya di-umano sa kalagayan ng matanda kaya naisipan niya itong tulungan at dito naitanong niya kung ano ang kailangan ni Lolo Patricio. Napag-alaman niyang ang kinikita ni Lolo Patricio sa pangangalakal ay ay pambili lamang ng gatas ng kaniyang apo kaya naman ito ang ibinigay na tulong ni Harvey, ibinili niya ng gatas ang apo ni Lolo Patricio.

Labis na humanga si Harvey kay Lolo Patricio dahil sa kabila ng katandaan niya ay kumakayod pa rin ito imbis na nagpapahinga na lamang ito kasama ang kaniyang pamilya. Kaya naman naging proud si Harvey na ibahagi ang kwento ni Lolo Patricio. Narito ang makapagbag-damdaming post ni Harvey na may caption na:

“Stay strong tatay napaka swerte ng mga anak at apo mo di alintana ang p@ndemic sayong edad para lang sa mga mahal mo sa buhay sa kanila ng edad mo, saludo ako sayu mahal kita sobrang mahal ikaw ang dakilang fronliners ko”, wika ni Harvey.

Maraming mga netizens ang naantig sa sitwasyon ng matanda dahil nagha-hanapbuhay ito para sa kaniyang pamilya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Anak ni Jestoni Alarcon, Agaw Pansin Sa Social Media Dahil Sa Gandang Taglay Nito

Lugar sa Oriental Mindoro Nagkaroon Ng Isang Himala, “Siguro Biyaya ito ng Diyos dahil, Tatlong buwan kami walang huli”