in

Nakatanggap Ng Surprise Package Ang Isang Nakakaawang Delivery Boy Galing Sa Isang Customer Dahil Sa Sira-sira Nitong Sapatos

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang p@ndemyang kinakaharap natin ngayon ay nagdulot ng malaking pagbabago at limitasyon sa ating mga pang araw-araw na pamumuhay, halos karamihan ay umaasa nalang sa mga delivery dahil mahigpit na nililimitahan ang paglabas ng bahay. Isa sa mga maituturing na frontliner ang mga butihing Delivery man dahil sila ang naghahatid ng mga esensyal nating pangangailangan.

Source: Rachel Julian

Marahil marami na kayong naririnig na kwento patungkol sa mga bayanihan o mga good Samaritan na nagsulpotan ngayong pahanon ng pandemya at talagang nakakatuwa dahil marami pa ring mga Pinoy ang may mabubuting loob na handang tumulong sa kapwa.

Source: Rachel Julian

Isa sa mga kwentong ito ay ang kwento ni Rachel at ng kanyang nobyo na nagbigay ng regalo sa isang kaawa-awang delivery boy, ang delivery boy na iyon ay ang nagpick-up ng cat food na pinadeliver niya sa alagang pusa nila. Naawa siya sa nakitang sapatos ng delivery boy na halos sira-sira na ito, ng makita niya ito ay agad niyang ikwenento sa kanyang nobyo at nakakatuwang sinabi ng kanyang nobyo na bibigyan niya ang delivery boy ng sapatos na kahit hindi bago ay makakatulong na maging komportable ang pagtrabaho nito.

Source: Rachel Julian

Ito ang naging kwento ng mag kasintahang Gab at Rachel “Nag order ako ng cat food para sa alaga namin parehas, actually kahapon pa to na deliver. Since nakaquarantine buong Metro Manila, di naman namin alam parehas ni Gab pano ko mabibigay sa kaniya yung food ni Zac. Nag try kami mag book sa ibat ibang app. Ilang oras na, walang tumatanggap. Until sa lalamove after ilang try may tumanggap pickup sa Pansol then deliver sa Caloocan. At yun nga, wala pang 1 hour na deliver na agad ni kuya ang items and gulat na gulat siya na may package rin si Gab para sa kaniya. Sinukat niya yung shoes at kasya sa kaniya, sabi pa ni kuya “Naku sir, totoo po ba to? Totoo po to?”

Source: Rachel Julian

Gusto pasalamatan ng magkasintahan sa patuloy niyang paghahanap buhay kahit nasa ganitong sitwasyon at lalo na’t di maayos ang suot niya sa paa e patuloy parin siya. At isang malaking tulong raw sila lalo na ang isang mabuting tulad niyang delivery boy sa mga katulad nilang mga costumers.

Source: Rachel Julian

Saludo ang mag kasintahan sa mga katulad ni kuya Raynaldo, sa litratong kuha sakanya ay makikita ang tuwa sa kanyang mukha sa natanggap niyang regalo.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Marami Ang Naantig Ang Puso Sa Lolong Ito Na Todo Supporta Sa Kaniyang Apo Na Kinuhaan Niya Ng Litrato Habang Nagpeperform Ito Gamit Ang Kaniyang Lumang Cellphone

Anak ni Jestoni Alarcon, Agaw Pansin Sa Social Media Dahil Sa Gandang Taglay Nito