in

Marami Ang Naantig Ang Puso Sa Lolong Ito Na Todo Supporta Sa Kaniyang Apo Na Kinuhaan Niya Ng Litrato Habang Nagpeperform Ito Gamit Ang Kaniyang Lumang Cellphone

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Habang lumilipas ang panahon, dumarami ang naiimbento ng teknolohiya. Tayo ay nasa modernong panahon kung saan nakakatulong ito na mapadali ang araw-araw nating pamumuhay. Isa sa modernong teknolohiya na naimbento ngayon ay ang mga ‘gadget’ kagaya na lamang ng cellphone. Ito ang ginagamit upang magkaroon tayo ng komunikasyon sa ating mga mahal sa buhay at higit sa lahat ito na rin ang ginagamit upang magkaroon tayo ng mga magagandang alaala sa ating mga mahal sa buhay.

Ngunit, malayo na ang narating ng ating teknolohiya kaya halos sa ating mga lolo at lola ay napag-iiwanan na. Pero gayunpaman, ginagawa naman nila ang kanilang makakaya upang makasabay sila sa pagbabagong ito. Katulad na lamang ng kwento ng isang lolong ito, naging supportive sa kaniyang apo.

Maraming mga netizens ang naantig ang kanilang mga damdamin nang ibinahagi ang larawan ng isang lolo na todo ang suporta sa kaniyang apo sa pamamagitan ng pagkuha nito ng larawan gamit ang kaniyang lumang cellphone. Maaaring ito ay balewala lamang sa iba, ngunit ang isa lamang ang mensaheng nais ipahiwatig nito at iyon ang pagmamahal at pagsuporta ng isang lolo sa kaniyang pinakamamahal na apo. Kahit na luma ng ang kaniyang ginagamit na cellphone hindi na iyon mahalaga kay lolo, dahil ang tanging mahalaga ay ang may maitago siyang larawan para maging isang magandang alaala niya sa kaniyang apo.

Kahit na hindi maganda at sunod sa uso ang kaniyang ginagamit na cellphone, ipinakita niya pa rin kung gaano niya binibigyan ng importansiya ang mahalagang araw ng kaniyang apo. Ipinapakita ng lolong ito na sinusulit niya mga panahon na makasama niya ang kaniyang apo. Napakaswerte ng mga batang, may naabutan pang mga lolo at lola dahil sila ay labis magmahal.

Nawa’y maging isang inspirasyon ito sa ibang mga kabataan na matutunan nila na pahalagahan, mahalin at respetuhin ang kanilang mga lolo at lola habang sila ay nabubuhay pa.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Jeepney Driver Na May Karamdaman, Naging Inspirasyon Ng Marami

Nakatanggap Ng Surprise Package Ang Isang Nakakaawang Delivery Boy Galing Sa Isang Customer Dahil Sa Sira-sira Nitong Sapatos