in

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Jeepney Driver Na May Karamdaman, Naging Inspirasyon Ng Marami

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Si Gng. Sofia Domasig ay ang guro na nakapansin sa braso ng isang jeepney driver na kanyang sinakyan ng siya’y pauwi na sa kanilang tahanan. Kinuhaan niya ng litrato ang mamang jeepney driver at agad na ipinost nito sa kanyang facebook account ang sitwasyon ng driver kung bakit may ballot ang kanyang braso na para bang may sugat ito at dahil sa post na iyon ay naging usap-usapan ito sa social media.

Kwento ni Gng. Sofia sa kanyang post, habang nasa jeep pauwi na raw siya noon nasa likod daw siya ng driver nakaupo katulad ng kanyang nakaugalian dahil safe raw siyang nakakagamit ng cellphone, at nang mapansin niya ang meron sa braso ni mamang driver ay agad niya itong tinanong patungkol rito. Tinanong niya kung nagdadialysis ito at sumagot naman ng Oo ang driver, halos walang maisagot ang guro sa nalaman kundi ang mga salitang “Ang lakas niyo po Tatay, Godbless you po”. Gusto pa sana ng guro na makipagkwentuhan sa driver ngunit wala ng oras at malapit na siya sa kanyang babaan.

Habang nag-aantay raw ang guro ng sasakyang tren, bigla niyang naalala ang mga pinagdaanan ng kanyang kapatid na nakaranas din ng Chronic Kidney Failure at nasaksihan niya kung gaano naghirap ang kanyang kapatid sa sakit na iyon ngunit sa nakita sa jeepney driver, naramdaman niya rito ang lakas ng loob na pinakita ng kanyang kapatid na halos 4 na taong lumaban sa sakit na iyon.

Bumilib din siya sa driver dahil pinipilit niyang magkayod kahit na may iniindang malalang karamdaman na ayon sa kanya ay ganoon rin ang naging sitwasyon ng kanyang kapatid, pinipilit na tumulong makahanap ng pang dialysis niya kahit hinihingal at kinakapos na sa paghinga , naranasan nilang pumila sa PCSO, sa mga politiko upang makahingi ng tulong.

Sobra siyang naaapektuhan pag may nakikita siyang mga CKD patients lalo na sa panahon natin ngayon. Imbes na magstay sa kanilang mga tahanan upang magpalakas at manatiling ligtas ay mas pinipili nilang mag trabaho upang may maipangpagamot para madugtungan ang kanilang mga buhay.

Pakiusap ng Gurong si Gng. Sofia, huwag magcomplain sa buhay na meron kayo bagkus gamitin ang inyong mga malalakas na pangangatawan upang magtrabaho dahil maraming naghihirap at nagtatiyagang magtrabaho kahit may mga kapansanan o karamdaman para lang mabuhay. Kaya huwag sayangin ang inyong kalakasan dahil maraming naghahangad ng malusog at malakas na pangangatawan.

Source : Reel Time

Nanawagan rin ang guro na sana’y makarating ang kwento ni mamang driver sa mga may mabubuti at may kakahayang tumulong at mabigyan ng kabuhayan showcase upang hindi na siya bumiyahe para sa ikakabuti niya. Hangad ng guro na mas humaba pa ang buhay ng driver at pagpalain siya ng may kapal.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Minsan Naging Isang Pulubi At Maninisid Ng Barya Sa Pier, Ngayon Ay Isa Ng Hinahangaang Guro

Marami Ang Naantig Ang Puso Sa Lolong Ito Na Todo Supporta Sa Kaniyang Apo Na Kinuhaan Niya Ng Litrato Habang Nagpeperform Ito Gamit Ang Kaniyang Lumang Cellphone