in

CuteCute OMGOMG LoveLove LOLLOL AngryAngry

Naaalala Niyo Ba Ang Isang Mangangalakal Na Nagviral Ng Maayusan At Ngayon Ay May Nagpapakilalang Kapatid Nito

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Marami na ang kumakalat na kwento patungkol sa kwento ng mga nagkawalay na pamilya at ang tangi nilang naging pag-asa upang mahanap ito ay ang social media, tulad ng kwento ni Dennis Pascual na taga Pampanga na tanging pangangalakal lang ang hanapbuhay at nang magviral ito dahil sa may nagbigay ng tulong dito at minake over ang kanyang anyo na dating madumi at walang ayos.

Biglang ikinagulat ng marami ng maayusan ito dahil sa kakaibang kagwapuhan na taglay. Napag-alamang half American pala si Dennis Pascual, sa pagviral ng make over ni Dennis ay may nagpakilalang kapatid niya nais siyang makita at makilala.

Ang nais ng iba na nakasubaybay sa istorya ni Dennis ay magpatuloy ang mga tulong at biyaya na dumarating sa kanya upang hindi na ito bumalik sa pangangalakal. Si Richard ang tao na nagvideo patungkol sa buhay ni Dennis at sa part 2 ng kanyang video ay hinanap nila muli si Dennis upang bilhan ng mga damit. Ayon kay Richard marami ang natuwa at nakanuod ng video nito at may isang nagngangalang Jimmy Pascual ang nagpakilalang siya raw ay kapatid ng half amerikan na si Dennis.

Dahil sa lalaking nagpakilalang siya raw ay kapatid ni Dennis biglang nabuhay ang pag-asa ng marami para kay Dennis dahil baka ito na ang tanging daan upang makilala ang tunay na pamilya at kwento ng buhay ni Dennis.

Sa ngayon inaabangan ng marami ang susunod na mangyayari sa buhay ni Dennis at inaasahang ang pagkikita ni Dennis at ang nagsasabing kapatid niya ito na si Jimmy Pascual sa Vlog ni Richard. Nawa’y maging isang malaking tulong ito para kay Dennis upang makapiling niya ang kanyang pamilya at mapabuti na ang kanyang pamumuhay. Sabay sabay nating abangan at suportahan ang yugto ng buhay ni Dennis.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alamin Dito Ang Nakakabilib Na Kwento Ng Mag-asawang Yumaman Dahil Sa Pagpasok Sa Iba’t Ibang Klaseng Raket At Negosyo

Pinakabatang Mayor sa Pinas, Kinakikiligan Ang Relasyon Nito Sa Isang Napakagandang Aktres