in

LoveLove CuteCute

Minsan Naging Isang Pulubi At Maninisid Ng Barya Sa Pier, Ngayon Ay Isa Ng Hinahangaang Guro

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sabi ng nila, hindi masama ang mangarap. Lahat ng tao ay may pangarap sa buhay na nagiging sandata natin upang magpursige na maabot natin ito. Kung determinado tayo na maabot ang ating tagumpay hindi impossibleng mangyari ito. At isa na rito ang kwento ng isang guro na minsan nang naghirap sa buhay, ngunit hindi ito naging hadlang upang makamit niya ang kaniyang pangarap na magkaroon ng magandang kinabukasan.

Ito ay pinatunayan ng kwentong tagumpay ng dalagang si Arlene E. Alex. Siya ngayon ay isa nang matagumpay na guro. Darati-rati naranasan ni Arlene ang maghirap sa buhay dahil naranasan niyang maging isang pulubi at mamalimos upang may maibigay na pera sa kaniyang mga magulang. Hindi lang sa kalye ang kaniyang naging buhay noon, pati ang dagat ay naging buhay niya na rin dahil naging isang maninisid siya ng barya sa pier upang kumita ng pera. Ang hirap ng buhay ang naging inspirasyon ni Arlene upang maabot niya ang kaniyang mga pangarap.

Kaya ngayon, ang tagumpay ay abot kamay na ni Arlene dahil natupad na ang kaniyang pangarap na maging isang guro sa edad na 28 taong gulang. Sa pamamagitan ng kaniyang pag-aaral at pagkakaroon niya ng Master’s Degree nagkaroon ng kulay ang kaniyang iginuhit ng mga pangarap. Ibinibigay ni Arlene ang kaniyang serbisyo sa mga batang mas nangangailangan ng pagkalinga upang sila maturuan ng mahusay, ito ang mga batang nag-aaral ng IPED at mga batang badjao.

Layunin rin ni Arlene tulungan ang kanyang sariling mga kababayan at turuan sila sa parehong paraan kung paano siya natuto. Sa isang graduation picture ni Arlene na kaniyang ibinahagi sa social media na may caption na, “Piliin mong magpatuloy kahit na pakiramdam mo ay hindi mo na kaya,makikita mo ang tamis ng paghihirap sa tamang kapanahunan”.

Ngayon ay masaya ng naglilingkod si Arlene sa kaniyang mga kababayan na mga Batangueño lalo na ang kaniyang mga estudyante na walang sawa niyang tinuturuan. Dahil sa kaniyang naging dedikasyon at narating sa buhay ay ginawaran siya ng pangaral ng “3rd Natatanging Batangueño 2021” ng Rotary Club Batangas. Ang kaniyang naging tagumpay ang tangi niyang maiaalay sa kaniyang pamilya na sobrang proud sa kaniya. Nawa’y marami pa ang kagaya ni Teacher Arlene!

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Pinakabatang Mayor sa Pinas, Kinakikiligan Ang Relasyon Nito Sa Isang Napakagandang Aktres

Isang Nakakaantig Na Kwento Ng Jeepney Driver Na May Karamdaman, Naging Inspirasyon Ng Marami