in

Alamin Dito Ang Nakakabilib Na Kwento Ng Mag-asawang Yumaman Dahil Sa Pagpasok Sa Iba’t Ibang Klaseng Raket At Negosyo

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa isang facebook post noong May 1, 2021 na nagviral, makikita dito ang kwento ng mag-asawang nagpursigi na makaahon sa buhay. Dahil sa kanilang sakripisyo at tiyaga nakamit nila ang kanilang mga pangarap sa buhay. Sa isang journal ni Libertie Belisario na ipinost niya, makikita dito kung ano ang kanilang mga pinag-daanan bago nila nakamit ang tagumpay. Ibinahagi ni Libertie, ang kanilang unang kuhang larawan noong bago pa lamang sila magkarelasyon ng kanyang asawa. Pareho silang nagbabantay ng pwesto ng kani-kanilang mga kapatid sa mga negosyo ng mga ito.

Source: Libertie Belisario

Sa sumunod naman na mga larawan, makikita ang mag-asawa sa harap ng altar na karga ang isang bata, dito pinabinyagan nila ang kanilang panganay na anak na babae. Ito pa ang mga panahong wala pa silang pera.

Source: Libertie Belisario

Nagtrabaho si Libertie sa isang construction industry at nagsi-sideline bilang isang seller ng sari-saring mga paninda sa gabi. Hanggang sa naging top seller siya ng kanilang branch.

Source: Libertie Belisario

“Eto ako noon nagtatrabaho 8am-5pm sa construction industry at pagdating ng 7pm sasama na ako sayo sa palengke para makapagpaorder ako sa mga pwesto pwesto ng natasha,mse,dakki, avon lahat na yata nun ng brochure ng direct selling dala dala ko sa plengke. Kaya ayan naging top seller ako sa branch.”

Sa isa pang post ni Libertie, makikita ang kanyang asawa na naglalatag ng mga paninda at dito nagsisimula na silang makapundar ng sariling gulayan sa palengke. Maliit lang ang naging puhunan nila sa umpisa at wala pa silang sariling pwesto. Bilib si Libertie sa kanyang asawa dahil talagang magaling ito sa negosyo at ang laging puhunan nito sa kanilang negosyo ay galing pa sa sinasalihan nilang paluwagan.

Source: Libertie Belisario

Nakapundar rin sila ng kanilang sari-sari store. Nagsimula sa bigasan at nangutang pa sila para pampundar ng kanilang tindahan. Sa loob ng 6 na taon na pagtatrabaho ni Libertie nagdesisyon na lamang siyang magresign at nag-pokus na lamang sa kanilang negosyong sari-sari store kung saan nagsimula sila sa bigasan na 5-10 sako lamang. Pagkatapos ng 1 taon, dahil na rin sa pagsisipag nilang mag-asawa agad naman nilang nabayaran ang kanilang inutang na puhunan at naparami na rin nila ang laman ng kanilang tindahan. Kitang-kita naman na malakas ang kanilang bigasan dahil dumami na ang kanilang stock ng mga bigas.

Source: Libertie Belisario
Source: Libertie Belisario

Nakapundar na rin sila ng gym, ngunit hindi kalaunan ibinenta nila ito dahil dumating rin talaga sa puntong nalugi ito. Naranasan pa ng mag-asawa na halos wala na silang panahon magpahinga at maglaan ng oras para sa isa’t-isa. Nagkaroon rin sila ng second hand na kotse na kanila ring ibinenta dahil lugi sila sa lingguhang pagkukumpuni nito.

Source: Libertie Belisario
Source: Libertie Belisario

Hanggang sa pinasok ni Libertie ang paguukay-ukay at siya pa mismo ang nagiging modelo ng mga damit na kanyang ibinebenta. Sinusulit niya ang kanyang oras sa pagbebenta kapag wala siyang ginagawa dahil nanghihinayang siya sa kikitain pa nito. Binubuhay sila ng kanilang mga pangarap sa buhay, kaya todo kayod silang mag-asawa.

Pagbabahagi pa ni Libertie, naranasan rin niyang mapagtawanan dahil kung ano-ano na lamang raw ang kanyang mga itinitinda. Pero balewala lang yon sa kanya, dahil ang mahalaga malinis ang kanyang ginagawa at wala siyang inaapakang tao. Talaga nga namang maswerte si Libertie sa kanyang asawa, dahil kahit puyat daw ito sinasamahan pa rin siyang kumuha ng kanyang mga ipinapamiling mga paninda. Dahil sa kanilang pagsisipag, nakabili sila ng brand new na sasakyan na naging katas ng pagtitiyaga ng kanyang asawa sa palengke. Ito na rin ang ginagamit nilang kargahan ng kanilang mga kalakal.

Kaya mas lalo pa silang nagsipag, dahil dito nakaipon sila at nakapagbukas sila ng isang pwesto ng mga sibuyas at bawang sa Balintawak. At ito naman ay napalago nilang mag-asawa kung noon ay galing lang silang naglalatag ng kanilang mga paninda ngayon ay may sarili na silang pwesto na nagkakahalaga ng 1 million pesos na kanilang nafullypaid na galing rin mismo sa kanilang kinita ang ipinambayad rito. Sa todo raket ni Libertie, kumuha rin sila ng pwesto sa mall kung saan nagbebenta siya ng kanyang mga paninda at nag invest rin siya sa TPC. Todo suporta naman ang kanyang asawa sa kanya, pagkalipas ng 2 taon nilang pagsisipag napalago nila ang kanilang investment kay TPC at nakabili sila ng house & lot.

Source: Libertie Belisario

“At eto na naging resulta.sa 2years napalago ko rin si TPC ko at nakabili na tayo ng sarili nating house&lot corner pa. pure katas ng Tpc. 5 Bedrooms/3Cr/may sarili ka na rin gym area at may sarili na rin akong ofc area at may sarili na ding play area ang mga anak natin.higit sa lahat may jacuzzi na tayo.di na tau magsosogo kasi ang mahal e!”

Source: Libertie Belisario


At nagkaroon pa sila ng paupahan na walking distance lang sa kanilang bahay at katas ule ito ng kanilang TPC Loading business. Hindi na lang iyon, mayroon rin silang iba pang paupahan na up & down kung saan ito ang tirahan ng kanilang mga bantay ng kanilang negosyo. Ayon pa kay Libertie, ang susunod na goal naman daw nila ay ang magkaroon ng isang malawak na farm.

Source: Libertie Belisario

“Ito next na target natin. Ang magkaroon ng malawak na FARM, ang saya ng plano natin sa magiging farm natin at sobra na ako excited.”

Source: Libertie Belisario

Kung noon, sila ang umuupa ngayon naman sila na ang tumatanggap ng bayad ng mga umuupa sa kanilang paupahan. Dahil sa kanilang naging sipag at tiyaga nakamit nilang mag-asawa ang kanilang mga pangarap sa buhay. Hindi lang basta sipag ito na maituturing kundi ang kanilang determinasyon na hindi sumuko upang mapag-tagumpayan ang kanilang mithiin sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak

Naaalala Niyo Ba Ang Isang Mangangalakal Na Nagviral Ng Maayusan At Ngayon Ay May Nagpapakilalang Kapatid Nito