in

Hinangaan At Ginawaran Ng Parangal at Gantimpala Ang Isang Butihing Tricycle Driver Na Nagsauli Ng Kalahating Milyong Piso Na Naiwan Ng Kanyang Pasahero

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa kabila ng kahirapan ng buhay, marami pa rin ang mga taong iniisip na gumawa ng mabuti. Sila ang mga klase ng taong hindi basta-basta nasisilaw sa kinang ng salapi. Bagama’t mahirap ang buhay ngayon lalo pa’t pandemiya, lahat talaga ng tao ay nangangailangan ng pera. Ngunit sa kabilang banda, mayroon pa ring tao ang hindi namamantala ng kanyang kapwa. Kagaya na lamang ng kwento ng isang matapat na tricycle driver, nang dahil sa kanyang naging katapatan siya ay umani ng isang pagkilala at ginagawaran ng isang gantimpala.

Source: Facebook

Alamin natin ang kanyang kwentong katapatan.
Ayon sa ulat ni Sandy Amaro sa isang pahayagan, kinilala ang mabuting tricycle driver na si Niño Clor na tubong Lucena City. Ayon kay Niño, napulot niya di-umano ang bag ng kanyang pasahero na naglalaman ng kalahating milyong piso. Dagdag pa niya, ang nasabing bag ay naiwan ng kanyang pasahero sa loob ng kanyang tricycle.

Source: Facebook

Laking gulat ni Niño nang makita niya ang nilalaman ng bag, kaya agad niya itong isinauli sa kinauukulan. At agad rin namang naibalik ito sa may-ari na nakilala na isa palang negosyante na taga Polilio Quezon at ang perang ito ay ang kinita pa ng pinagbentahan ng kopra. Kaya labis ang naging pasasalamat ng negosyante kay Niño dahil sa naging katapatan at kabutihang-loob nito na hindi siya nasilaw sa pera.

Source: Facebook


Kaya naman dahil sa kanyang naging katapatan, siya ay ginawaran ng isang parangal ng Sangguniang Barangay ng Cotta, Lucena City at ginantimpalaan pa ng Php 5,000 bilang isang pasasalamat sa kanya. Bukod sa kanyang natanggap na parangal, napakalaking bagay na para sa kanya ang naging pagsaludo at pagkilala sa kanya ng kanyang mga ka-barangay, kaibigan at higit sa lahat ng kanyang pamilya.

Source: Facebook

Isang inspirasyon ang katapatan ni Niño, dahil hindi siya nasilaw sa salapi sa kabila ng kanilang kahirapan sa buhay. Tunay ngang isang mabuting tao si Niño at dapat na tularan ng madla. Nawa’y ipagpatuloy pa ni Niño ang pagkakaroon niya ng ginintuang kalooban.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Lolo Ang Hinangaan Ng Netizens Dahil Tanging Asukal Lamang Ang Kinuha Nito Sa Community Pantry

Nakakamanghang Nakapagtapos Ng Kolehiyo Ang Isang Street Sweeper, Sa Kabila Ng Kanyang Pagiging Isang Ina Sa 7 Niyang Mga Anak