in

LoveLove

Isang Lolo Ang Hinangaan Ng Netizens Dahil Tanging Asukal Lamang Ang Kinuha Nito Sa Community Pantry

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ngayong pandemya marami na ang gumagawa ng mga community pantry. Kung saan ito ay nakakatulong sa mga taong hikaos sa buhay at sa mga taong nawalan ng trabaho dahil sa epekto ng pandemya. Sa community pantry na ito, maraming mga tao ang natutulungan upang maka-survive sa laban ng buhay. Isa na rito ang kwento ng isang lolong mas nagparaya sa mga taong mas higit na nangangailangan.

Source: Gerald Paredes Carsucho

Kaya ibinahagi ng netizen na si Gerald Paredes Carsucho sa kanyang facebook account ang kwentong ito ni Lolo. Ayon kay Gerald, araw-araw umano nilang nakikita ang lolong ito na dumadaan sa kanilang pantry at nagtataka sila bakit hindi ito kumukuha. Isang araw nakita ng lolo na mayroong nakalatag na asukal at kumuha ito ng dalawang piraso lamang. Inalok ito nila Gerald ng iba pang mga pagkain ngunit tumanggi ito dahil ayon sa Lolo, asukal lang naman daw ang kanyang kailangan kaya ito lang talaga ang kanyang kinuha. Dagdag pa niya, mayroon naman raw kasi siyang mga sardinas at bigas sa kanilang bahay kaya asukal lamang ang kanyang kinuha na ginagamit niya sa kanyang pagkakape.

Source: Gerald Paredes Carsucho

Sa sandaling iyon ay biglang natahimik sila Gerald, dahil sa kabila ng edad ng lolong ito ay tila mas naiisip niya pa rin ang kanyang kapwa na mas higit na nangangailangan. Pagbabahagi pa ni Gerald, sana’y lahat ng tao ay kagaya ni Lolo na marunong kumuha batay lamang sa kanyang pangangailangan at upang marami pang nangangailangan ang makinabang dito. At higit sa lahat upang malagpasan ng sama-sama ang krisis na ito. Dahil sa community pantry ay tinuturuan tayong magkaroon ng pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagbabahagi nang mayroon tayo para sa mga taong walang-wala sa buhay.

Kung kaya’t maraming mga netizens ang talagang humanga kay Lolo dahil sa pagmamalasakit nito sa kanyang kapwa. Katulad na lamang ng mga komentong ito.

“May malasakit si tatay sa kapwa hindi sya ang tipong mapagsamantala yan ang tunay na dapat pamarisan. God bless po sa lahat at stay safe always.”

Source: Gerald Paredes Carsucho

“Kasi dama at alam ni tatay na lahat ay nangangailangan, sana lahat kagaya ni tatay na kung ano lang ang kailangan at hindi siya mapagsamantala.Naisip ko nga yong ayuda na para sa akin,kahit singko ay wala akong natanggap sana po maibigay nila sa kagaya ni tatay.O kaya doon sa senior na hindi na makapag trabaho at para sa kanilang health supplement.”

Tunay ngang inspirasyon si Lolo sa lahat ng tao at dapat lang siyang tularan dahil sa kanyang pagiging isang magandang halimbawa ng kabutihan.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Gurong Inoperahan Hindi Inakalang Wala Na Pala Silang Babayaran Dahil Sinagot Na Ng Doktor Na Dati Niya Palang Estudyante

Hinangaan At Ginawaran Ng Parangal at Gantimpala Ang Isang Butihing Tricycle Driver Na Nagsauli Ng Kalahating Milyong Piso Na Naiwan Ng Kanyang Pasahero