in

Nagcelebrate Ng Kanyang Kaarawan Ang Isang Bata, Sa Pamamagitan Ng Isang Community Pantry Imbis Na Isang Birthday Party

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Ang pagdiriwang ng kaarawan ay minsan lamang sa buhay sa tao lalo’t higit sa isang bata. Kung saan napaka-halaga sa kanila ang magdiwang ng kanilang kaarawan. Isang makukulay na birthday party ang laging nagpapasaya sa kanila. Ngunit, hindi sa paraan ng batang ito ang tunay na kahalagahan ng pagdiriwang ng kaarawan.

Source: Trish Peñaflor

Isang nakakatuwang bata na mula pa sa bayan ng Bulacan ang nagdiwang ng kanyang ika-7 taong kaarawan na ginawang isang community pantry. Nakakaantig ng damdamin ang naging karaawan ng batang ito dahil imbis na isa itong birthday party, ang ninais na lamang niya ay ang makatulong siya sa kanyang kapwa ngayong panahon ng pandemya.

Source: Trish Peñaflor

Kilalanin natin ang batang si Andreu, kung saan suot niya ang kanyang spiderman costume habang siya ay nasa kanilang ginawang community pantry. Masayang nagdiwang ng kanyang kaarawan si Andreu sa kanilang ginawang isang community pantry kasama ang kanyang mga magulang. Dahil na rin siguro sa nangyayaring pandemya ngayon, tila nauunawan na rin ng bata ang mabuting layunin para makatulong sa ibang mga tao.

Source: Trish Peñaflor

Sa isang post sa Facebook ni Trish Peñaflor, makikita ang bata naka-antabay sa pamimigay nito ng mga goods na kanyang ipamamahagi sa kanilang community pantry. Sa isa ngang panayam kay Trish Peñaflor ng Manila Bulliten, sinabi niya rito na bihira lang ang batang nagiging masaya sa ganitong selebrasyon. Madalas kasi kapag bata, ang lagi nilang gusto ay isang masayang birthday party ngunit salungat naman sa kagustuhan ng batang si Andreu. Ito ang kakaibang konsepto ng batang ito sa pagdiriwang niya ng kanyang kaarawan, “A touch of kindness at Andreu’s 7th birthday.”

Source: Trish Peñaflor

Marahil naiintindihan ng bata ang kahalagahan ng pagtulong, siya pa mismo ang may nais na makapagbigay sa kanyang mga kababayang nangangailangan ngayong pandemya. Kaya ayon sa kanyang ina, tila nauunawaan na raw ng kanyang anak ang nangyayari habang tayo ay nasa pandemya kahit sa mura nitong edad pa lamang.

Source : Trish Peñaflor

Simula nang maging viral ang community pantry sa ating bansa, marami ang gumaya at nagnais na makatulong sa ating mga kababayan. Makikita rin natin ang pagbabayanihan ng mga Pilipino sa panahon ng pandemya. Kaya naman nakakataba ng puso ang adhikain ng batang si Andreu dahil sa napaka-mura niyang kaisipan, siya na ay nakakapag-kawangga.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang Nurse Ang May Ginintuang Puso Dahil Mas Pinili Niyang Maglakad Pauwi Upang Ang Kanyang Madaanan Na Mga Pulubi Ay Mabigyan Niya Ng Pagkain At Inumin

Gurong Inoperahan Hindi Inakalang Wala Na Pala Silang Babayaran Dahil Sinagot Na Ng Doktor Na Dati Niya Palang Estudyante