in

Pinoy Bartender, Nabihag Ang Puso Ng Magandang Fiancée Ng Dahil Sa Kanyang Flying Kiss

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sinasabing sa bawat tao ay sadyang may nakatadhana na kabiyak. Ang pagkakaiba lamang ay sa kung papaano nagkakilala ang dalawang magnobyo. Ang iba naman ay nagsusumikap na makilala at mahanap ang taong magpapatibok ng puso nila. Sa iilan naman ay hindi nila inaasahan na magiging foreigner pala nila makikita ang kanilang ‘forever’.

Source: Bryan Carlonia

Sa buhay ni Byran Carlonia, ay hindi niya inaasahan na makikilala niya ang kanyang ‘the one’ nang dahil sa kanyang flying kiss. Si Bryan ay mula sa Agusan Del Sur at tunay na pusong Pilipino. Likas na masisipag ang mga Pinoy at upang may magamit na pampinansyal na pangangailangan ay nagtrabaho ito sa isang cruise ship.

Source: Bryan Carlonia

Doon ay isa siyang bar tender at madalas naman ay gumagawa ito ng iba’t ibang tricks tuwing gumagawa ng drinks. Hindi na ito bago sa kanya dahil isa ito sa mga na training sa kanya bago pa man sumalang sa barko.

Source: Bryan Carlonia

Parte na kase ng kanyang pagbaba-bar tender ang pagpeperform ng mga tricks tulad ng pagpapalipad at pagpapaikot ng bote at baso. Lingid naman sa kanyang kaalaman na masusungkit pala nito ang puso ng isang napakagandang dilag dahil sa kanyang ‘flying kiss’ performance.

Source: Bryan Carlonia

Sumakay ang Finnish beauty na si Jasmina sa cruise ship na pinagtatrabahuan ni Bryan. Kasama ng dalaga ang kanyang mga kaibigan at dumaan sa bar area ng cruise ship. Sa pagkukuwento ni Bryan, “Dumaan si Jasmina sa bar, na-starstruck talaga ako. Sobrang ganda kasi niya… Hindi ko ma-explain ‘yung feeling,” Dagdag pa nito, “Sa routine ko, may “flying kiss” towards the crowd. Paghagis ko ng shaker, saktong dumaan siya, sa kanya ko pinoint ‘yung finger. Nagsigawan iyong mga tao”.

Source: Bryan Carlonia

Nang matapos ng trabaho ni Bryan ay sinadya nitong hanapin si Jasmina upang malaman ang pangalan nito. Nag lakas loob na rin ito kunin ang facebook name ng dalaga. At dito na nga nagsimula ang pag-usbong ng kanilang pagiibigan.

Source: Bryan Carlonia

Nafeature ang kwento ng dalawa sa Kapuso Mo, Jessica Soho at doon ay inamin ni Bryan na babaero siya bago niya nakilala sa Jasmina. Si Jasmina naman bagamat ubod ng ganda ay may nananaig na insecurities subalit sa tulong ni Bryan ay nalalabanan niya ito.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Kilalanin si Frances Diane Domagoso, Ang Nag-iisang Anak Na Babae Ni Isko Moreno

Isang Nurse Ang May Ginintuang Puso Dahil Mas Pinili Niyang Maglakad Pauwi Upang Ang Kanyang Madaanan Na Mga Pulubi Ay Mabigyan Niya Ng Pagkain At Inumin