in

Kilalanin si Frances Diane Domagoso, Ang Nag-iisang Anak Na Babae Ni Isko Moreno

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Nanalo si Mayor Isko sa pagka-alkalde ng Lungsod ng Maynila mula kay dating Presidente ng Pilipinas at dating Mayor ng lungsod na si Joseph “ERAP” Estrada. Bago pa man siya naging Alkalde, dati narin siyang Bise-Alkalde ng lungsod. Sa unang araw ng pagkaupo bilang Alkalde ng Maynila ni Mayor Isko, agad niyang nilinis at pinaluwag ang Maynila. Agad itong umani ng papuri at paghanga mula sa mga netizens. Dahil sa naging malaking pagbabago ng Lungsod ng Manila, mas minahal siya ng maraming tao.

Source: Isko Moreno IG

Kahit na busy sa pagiging alkalde si Mayor Isko, hindi niya nakakaligtaan ang maging isang ama sa kanyang mga anak. Si Mayor Isko ay mayroong limang anak na sina Vincent Patrick, Frances Diane, Joaquin Andre, Franco Dylan at Drake Marcus, sa higit 19 taon na niyang asawa na si Diana Lynn Ditan. Sa limang magkakapatid, biniyayaan lang si Mayor Isko ng isang babaeng anak na si Frances Diane.

Source: Frances Diane Domagoso Facebook

Hindi rin maipagkakaila na ang kagandahan ni Diane ay namana niya sa kanyang mga magulang, kung kaya naman maraming netizens ang humahanga sa kanyang mga larawan sa social media. Sa mga larawan na pinipost ng dalaga sa kanyang social media account, kitang-kita ang taglay nitong kagandahan.

Source: Frances Diane Domagoso Facebook

At hindi lang ito basta kagandahan, kundi kapansin-pansin rin ang kanyang kaseksihan. Dahil nga sa kanyang kagandahan, naging agaw atensiyon ang dalaga sa mga netizens. Na tila darating ang oras na marami ang mahuhumaling sa nag-iisang anak na babae ng alkalde.

Source: Frances Diane Domagoso Facebook

Sa isa namang programa ng isang sikat na talk show, kung saan ang host na si Boy Abunda ay kamakailan lamang ay nagkaroon ng panayam kay Mayor Isko. Dito nga natanong niya kay Mayor Isko kung ano ang mensahe niya sa mga may nais na manligaw sa kanyang unica hija. Ito naman ang naging pabirong sagot ng alkalde, “Mayor ang tatay non ah!”

Source: Frances Diane Domagoso Facebook

Hindi lang mapagmahal at masipag na ama ng lungsod si Mayor Isko, kundi isa rin siyang mabuti, mapagmahal at very protective sa kanyang mga anak lalo na sa kanyang sa kanyang nag-iisang anak na babae.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Abot Langit Ang Tuwa Ng Isang Pinay Nang Malaman Na Hari Pala Ang Kanyang Tunay Na Ama

Pinoy Bartender, Nabihag Ang Puso Ng Magandang Fiancée Ng Dahil Sa Kanyang Flying Kiss