in ,

Isang 10 Taong Gulang Na Bata, Binubuhay Mag-isa Ang Sarili At Hindi Nawawalan Ng Pag-asa Matapos Maulila

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Dahil sa wala ng magulang na bumubuhay at gumagabay sa 10 taong gulang na batang ito, pinipilit niyang buhayin ang sarili sa gitna ng bukid sa pamamagitan ng pagtanim. Ang kahanga-hangang istoryang ito ng batang ulila ay nagmula sa “China Press” ayon dito ang bata ay nakatira sa bansang Vietnam at nakilala na si Dang Van Khuyen.

Source: Facebook

Lumaki siyang wala ng ina at tanging ang kanyang ama at lola lamang ang kanyang kinalakihan, ang ama ay nagtatrabaho sa malyong lugar kaya’t tanging ang kanyang lola lang ang kanyang nakakasama sa kanilang tahanan.

Source: Facebook

Sa simpleng pamumuhay lamang namulat si Khuyen kasama ang kanyang lola at minsanan lamang kung magpadala ng suporta ang kanyang ama. Nang dahil sa may katandaan na rin ang kanyang lola hindi na rin nagtagal ay iniwan na rin siya nito at sumakabilang buhay na at isa pang dagok ang dumating sa buhay ng bata ng malaman na ang kanyang ama ay nadisgrasya at nasawi sa kanyang trabaho.

Source: Facebook

Kaya walang ibang paraan ang bata kundi ang buhayin ang kanyang sarili sa gitna ng bukid gamit ang kanyang mga tanim, kailangan niyang maging malakas at matatag upang kayanin ang mamuhay ng mag-isa. Pinagpapatuloy niya parin ang kanyang pag-aaral at hindi siya nagpadaig sa kanyang MGA pinagdaanan dahil hindi nito naiisipan ipagpaliban ang kanyang klase.

Source: Facebook

Nang malaman ng kanyang paaralan at local na pamahalaan ang sinapit ni Khuyen sa buhay ay sinubukan nila itong dalhin sa bahay ampunan ngunit mas pinili pa rin niyang mamuhay mag-isa sa bukid. Tanging ang pagtatanim ng mga gulay ang bumubuhay sa bata at kahit walang pinagkukunan ng kita ipinagpapatuloy niya parin ang kanyang pag-aaral. Dahil sa awa ng guro niya, napag-isipan nitong lumikom ng pera upang maiuwi ang katawan ng ama ni Khuyen at kanyang masilayan man lang sa huling pagkakataon ang ama at ilibing ito malapit sa kinatitirikan ng kanilang bahay.

Source: Facebook

Marami ang naawa at humanga sa ipinakitang katatagan ni Khuyen sa mga naranasang dagok sa buhay, pinili niya mag patuloy at mag pursige kahit mag-isa. Pinapakita lamang ng bata na kahit anumang mangyari ay naniniwala siya na may mangyayari pang maganda sa buhay niya.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Alagang Isda Kinagiliwan, Ipinasyal Ng Isang Lalaki Na Para Bang Isang Alagang Aso

Dating Miss Asia Pacific International Na Si Sharifa Akeel, Hinangaan Ng Mga Netizens Matapos Ipakita Ang Kanilang Munting Tahanan