in ,

LoveLove

Dating Miss Asia Pacific International Na Si Sharifa Akeel, Hinangaan Ng Mga Netizens Matapos Ipakita Ang Kanilang Munting Tahanan

  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  
  •  

Sa pang-araw-araw nating buhay napakahalaga ang pagkakaroon natin ng sariling tahanan. Kung saan dito nabubuo ang mga masasayang ala-ala natin kasama ang ating pamilya. Hindi na mahalaga kung ito ba ay malaki o maliit basta’t laging kumpleto at masaya ang pamilya.

Source: Sharifa Akeel IG

Ito ang ibinahagi ng dating Beauty Queen na si Sharifa Akeel, matapos niyang ipinakita ang kanilang napaka-simpleng tahanan. Si Sharifa Akeel ang naging Miss Asia Pacific International 2018, hindi mahahalata sa kanyang pagiging isang beauty queen na siya ay nakatira lamang sa isang simpleng bahay. Noon lamang Disyembre 2020, ay proud niyang ibinahagi sa kanyang social media account ang lugar kung saan siya nagmula.

Kanyang ipinakita sa lahat ang kanilang munting tahanan kung saan siya nakatira simula noong siya ay bata pa lamang. Kailanman ay hindi ikinahiya ni Sharifa kung ano ang itsura ng kanilang bahay dahil para sa kanya, ito ang kanyang naging inspirasyon upang maabot niya ang kanyang mga pangarap sa buhay.

Source: Sharifa Akeel IG
Source: Sharifa Akeel IG

Makikita sa kanyang pinost na larawan, na napaka-simple lang ng loob at labas ng kanilang tahanan. Mula sa labas ng kanilang bahay, hanggang sa loob nito ipinasilip ito ni Sharifa. May mga iilang larawan siya ng iba’t-ibang parte ng kanilang munting tahanan. Dito makikita ang napaka-simple nilang kusina at sala na sobrang payak lamang ang kanilang pamumuhay. Mayroon rin silang maliit na sari-sari sa loob ng kanilang tahanan kung saan ito lamang ang ikinabubuhay ng kanyang pamilya.

Source: Sharifa Akeel IG

Sa kanyang post na may caption na,
“My house today might not be like other’s house but mind you, “A home can be called a house but a house to be called a home is a different story”.
“I’m just being true always, I am not ashamed to share to everyone what my house looks like and where I came from. I know someday, I will build not only a house, but a mansion to be called a home.”
Kaya maraming mga netizens ang humangga sa pagbabahagi niya ng kanilang buhay. Umani si Sharifa ng mga positibong komento at mas lalo silang naging proud sa beauty queen.

Source: Sharifa Akeel IG

Kagaya na lamang ng mga komentong ito.
“A House is just about a place where family stays, but no matter if your house is small or big, but the important is the loving the care of each and every one of the family. You should always thank to God. Happy Sunday Queen”

Source: Sharifa Akeel IG

“I love your honesty and for being humble, You are indeed a queen inside and out.
“I have witnessed and followed your journey and I believe you will make all your dreams come true because of your humble heart. Keep soaring high! Wishing to meet you personally.”

Source: Sharifa Akeel IG

Pinatunayan ni Sharifa na wala sa laki o liit ng bahay ang magiging basehan upang maging matagumpay at masaya sa buhay. Ito ay hindi kailanman magiging hadlang pag-abot ng mga munting pangarap natin sa buhay.

Written by admin

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading…

0

Isang 10 Taong Gulang Na Bata, Binubuhay Mag-isa Ang Sarili At Hindi Nawawalan Ng Pag-asa Matapos Maulila

Abot Langit Ang Tuwa Ng Isang Pinay Nang Malaman Na Hari Pala Ang Kanyang Tunay Na Ama